Opusia Logo
  • Home
    • Authors Search Only
  • Guest
    • Login
    • Register
    • Night mode
APRILYN JOY PAMINTUAN Cover Image
User Image
Drag to reposition cover
APRILYN JOY PAMINTUAN Profile Picture
APRILYN JOY PAMINTUAN

  • Details
  • 3 posts
  • Female
  • 01-01-70
  • Living in United Kingdom

Photos

No posts to show
  • Timeline
  • Photos
  • Videos
    • Following
    • Followers
APRILYN JOY PAMINTUAN profile picture
APRILYN JOY PAMINTUAN
Translate   9 years ago

"What do you want" -Miko "Ilayo mo na si Brit!" -cassie "What?? Are you out of your mind?" "You like her right? I know you like her since then" "What are you talking about?" "Oh! For God's sake Miko. Huwag na tayo maglokohan dito, bata pa tayo alam kong mahal mo na si Brit. Di ba't hiniling mo sa kambal na kabuti na maging sa'yo si Brit? Well, your wish comes true!" Hindi ba't ikaw ang dahilan nang unang operation ni Brent, hindi ba't ikaw ang nagpilit sa kanya maglaro ng soccer?" "But I didn't know that he was seriously sick back then. I didn't mean to do that. Teka muna, why are putting this up to me? Di ba't ikaw ang patay na patay kay Brent? And if I'm not mistaken you plan all of this" "What are you saying?" Gulat at may panginginig na tanong ni Cassie. "Well , I have all the proofs" showing a disc to her "Ibigay mo sa akin iyan" paglalaban ni Cassie. Medyo madilim at tanging liwanag ng buwan lang ang ilaw namin. Mabilis ang kamay ni Cassie kaya naman nakuha niya sa akin ang disc at pinagsisira ito pero mas matalino ako kay Cassie, I made a multiple copy of it dahil kilala ko na siya. "Tanga talaga kayong dalawang magkapatid. Oh! Yes, it was all my PLAN. I fell inlove with Brent since the first time I saw him. He was your kuya's roommate. I'm always at the hospital not because of Arthur but because of him until nakita ko si Brit na kasama siya. I also planned na makipagclose kay Brit because I knew she was close kay Brent but I regret that everyday, sukang suka ako sa araw araw na kasama siya. Alam ko ang kundisyon ni Brent at alam ko rin ang kundisyon ng kuya mo. Years past and I have the same feeling towards Brent. Hindi nawala yun. Ang kuya mo lang ang nagpupumilit na isiksik ang sarili niya sa akin, lagi niyang sinasabi na darating din ang araw na mamahalin ko siya pero hindi dumating yun. I had an agreement with Arthur that I will stay with him habang buhay pa siya in one condition, I asked him to donate his heart kapag namatay siya. I never told him who will be the recipient and he agrees. It was not true na may taning ang buhay ng kuya mo, binayaran ko ang doctor para sabihin sa inyo na may taning na siya. Naiinip na ako sa pagkawala ng kuya mo so I made him suffer, pinakain ko lahat ng bawal sa kanya at hindi ko pinapainom ng gamot sa kanya instead I let him drink the medicine which can make his condition even worst. Until dumating yung araw na pinakahihintay ko, Arthur was rush to the hospital. The doctor told me how bad his condition was , he told me na baka hindi na kayanin ni Arthur kapag ooperahan pa siya. I went out because I heard someone who's crying to death in the room next door. I saw her again.I saw Brit crying and begging to an old woman, nagmamakaawa na approvan na ang organ donor form na hawak niya. And I knew it was for Brent. I remember Arthur and I's agreement. Ako na mismo nagfill up ng form at ginawa kong recipient si Brent" "Wala kang kasing sama" Nanginginig ako sa galit "I know Right!" May halong tawag demonyo ni Cassie "How could you do. . . " nagdilim na ang paningin ko at konting konti nalang masusuntok ko na si Cassie ng biglang may humawak sa akin sa likuran "Ituloy mo!" Sigaw ni Cassie "Arthur loves me so much.I forced him to donates his heart kay Brent so in that way Brent will love me. Kapag nasa kanya ang puso ni Arthur wala itong ititibok na iba kundi AKO lang". - cassie "Gaano ka nakakasigurado?" Ang boses na yun. Nakapasok na kami sa kwartong ipinahanda ko kay Monic ng bigla akong may narinig na naguusap.Si Miko ang nagsasalita? Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa madilim, teka, hawak ko si . . . bigla niya akong niyakap ng mahigpit, biglang kumabog ang dibdib ko,hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang dibdib. Ang peklat na ito! Saka niya tinakpan ang mga tenga ko, wala ako gaanong marinig dahil sa ingay sa labas. Ang yakap niyang ito ay walang pinagkaiba sa yakap niya sa akin simula pa nung bata kami, ang init ng kamay niya ay walang pinagkaiba sa taong pinakamamahal ko simula pa noong bata kami. "Bikoy"bulong ko saka naman niya tinakpan ang bibig ko. Hindi ko mapigilang lumuha dahil sa wakas naramdaman ko ulit siya.Ninamnam ko ang bawat sandaling iyon ng maramdaman kong humiwalay siya sa akin. "Arthur loves me so much.I forced him to donates his heart kay Brent so in that way Brent will love me. Kapag nasa kanya ang puso ni Arthur wala itong ititibok na iba kundi AKO lang" rinig kong sabi ng pamilyar na boses. "Gaano ka nakakasigurado" sigaw ni Brent "Cassie" bigla kong nasumbat ng binuksan ko ang ilaw at makita siya. "Wala kang kasing sama Cassie, ang dapat sa'yo mabulok sa kulungan" -Miko "Hindi niyo ako mapapakulong dahil wala kayong pruweba" pagmamatigas na sigaw niya. Lumapit si Bikoy kay Cassie at saka hinila malapit sa sliding door ng kwarto. "Marami kaming testigo sa lahat ng mga sinabi mo" -bikoy Dumungaw ako at nagulat sa mga nakita ko, lahat ng tao nakatingala sa amin. Maya pa ay biglang bumukas ang pintuan .. "Wala ka nang takas Cassie Montenegro" sigaw ni Monic sa kanya. "Rinig at recorded lahat ng sinabi mo kanina"dagdag pa niya. Nawala sa isip ko na anak ng Major si Monic at gustong gusto niyang sundan ang yapak ng tatay niya. Bago pa man kunin ng mga police si Cassie ay may inabot na sulat si Brent sa kanya. Binasa iyon ni Cassie at naghahagulgol sa iyak. Itinapon iyon ni Cassie at saka sumama sa mga police. Pinulot ko ang sulat na iyon at di ko sadyang basahin ito. Hi Buddy, This is so awkward, ang sulatan ka. I'll get straight to this letter. I made an agreement to Cassie na idodonate ko ang heart ko once na kunin na ako ni Lord.I choose to give it to you. Alam kong ikaw rin ang ilalagay ni Cassie as recipient because I know she loves you so much. Alam ko ang ginagawa niya sa akin. My condition is getting worst and ramdam ko na I will not live longer. I choose to donate my heart to you because I love Cassie so much. I made a promise with her parents that I will take care of her as long as I live but my time is too short now , nagbabaka-sakali ako na pag nasa iyo na ang puso ko maari mo itong matuloy. I love Cassie so much to the point that I'm willing to do everything he wants even if it hurts me alot. As long as nasa sa'yo ang puso ko alam kong mabubuhay ito para kay Cassie. Pagkatapos ko itong mabasa ay niyakap ko ng mahigpit si Bikoy. "Bikkkooooooyyyy" sigaw ko sa kanya. "Huwag kang susuko Bikkkoooy please! Please Bikooooooy" --Bikay Mayroon pang isang sulat na ibinigay sa akin si Tito. Nagulat ako ng mabasa ko kanino galing ang sulat na ito. "Birthday ni Miko ngayon Iho. Nais mo bang sumama sa amin?" Tanong ni Tita sa akin. Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay biglang may tumawag na unknow number sa akin. "Hello" --bikoy "Kailangan na kailangan ka ni Brit ngayon, nasa panganib siya" sabi nung sa kabilang linya sabay baba ng telepono. Hinabol ko sila Tito at Tita at nakiusap na sumabay sa kanila. Pagdating sa bahay namin ay bumaba na ako at kinuha ang susi ng sasakyan. Dadaan muna ako kila Bikay upang makita kung nandoon siya. Nang mkarating ako kila Bikay nakita ko ang isang magandang dalaga na nakapostura na tila ay may okasyon na pupuntahan. Nang palapit na sa lugar ko si Bikay ay kumaripas naman ako ng takbo. Huminto muna ako sa kabilang kanto at sinundan ko ang sasakyan ni Bikay. Tama ang hinala ko papunta nga ito kila Miko. Pagpasok ko doon ay nakita ko si Miko na kausap si Bikay, malapit na malapit ng magkadikit ang kanilang mga labi, nakaramdam ako ng inis at galit.Pipigilan ko sana ng biglang umingay sa bandang hardin kaya't hindi rin natuloy ang paghalik ni Miko kay Bikay. Maya pa ay biglang namatay lahat ng ilaw. "Pumunta ka sa stage! Hinihintay ka niya doon" biglang may bumulong sa akin at dahil sa madilim hindi ko man lang siya nakita pero may kung ano na nagsabi sa akin na sundin ko nga siya. Nasa stage na ako ng maramdaman kong may humawak sa akin na tila hinahanap ang kamay ko kaya kusa ko na itong iniabot. Napangiti nalang ako ng makita ko at makilala ang taong humawak at humila sa akin. Saan ba ako dadalhin nito? Maya pa ay huminto kami at pumasok sa kwarto.Marahan kaming pumasok sa kwarto na liwanag lang ng buwan ang tanging ilaw namin. At doon ko narinig ang lahat! Niyakap ko si Bikay at tinakpan ang kaniyan tenga. Nanginginig ako sa galit habang nakikinig sa kasuklaman ng ugali ni Cassie. Hindi na ako nakatiis sa huli niyang salita kaya't nagsalita na ako. Ibinungad ko si Cassie sa may bintana para makita siya ng lahat ng tao,rinig sa labas ang lahat ng sinabi ni Cassie. Maya pa ay dumating si Monic na may kasamang mga pulis. Bigla akong nakaramdam ng matinding paninikip ng dibdib.Naririnig ko ang sigaw at iyak mula sa labas. Ano bang nangyayari, teka ano ba ito bakit hindi ako makagalaw, pagdilat ko ng mata nakita kong puno na ng aparato sa paligid ko.nandito rin sila Mommy at Daddy. Pumikit ako sandali at nagdasal. Lord, bigyan niyo pa po ako ng isang pang pagkakatao, nakadalawa na ako ano ba naman po kung itatlo mo na. Lord, ayoko pang mamatay,ayoko pang iwan sila at pakakasalan ko pa siya. -bikoy Isang taon na ako paligid ligid dito sa halamanan ng Hospital para humahanap ng Kambal na kabuti. Isang taon na rin ang nakalipas ng manyari ang insidenteng hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Si Miko ay umuwi na rin ng Amerika, yun pala ang misyon niya dito sa Pinas, at naghingi rin siya ng paumanhin dahil hindi niya sinasadya na mahulog ang loob sa akin bagama't alam niya na kasama ito sa trabaho nila. Isa na siyang private detective sa Amerika. Si Monic naman ay nagtungo rin sa America para mag-aral. Hmmmpp. If I know sinundan lang niya doon si Miko. Si Cassie ay tuluyan ng nasiraan ng ulo. Si Bikoy?. . . . . . . . Ayun, isang taon ng tulog. "Eh!!!" Ang saya saya ko ng makaaninag ako ng hugis kabuti. Dali ko itong pinuntahan at kumpirmado nga Kambal na kabuti nga ito. Habang tinitignan ko ito ay bigla akong napaluhod. Sa wakas makalipas ang isang taong nakakita rin ako ng kambal na kabuti. Hindi ko pinalampas ang pagkakataong ito kaya naman sinimulan ko na ang hiling ko. "Ako'y humihiling sa'yo kambal na kabuti na sana ay gisingin niyo na ang aking kaibigan" "Kaibigan lang talaga" rinig kong may bumulong pero hindi ko ito pinansin. "osige! Pinakamamahal na. Please lang gisingin niyo na po siya. Please! Please! Please! At tuluyan na akong umiyak. Mahal na mahal ko siya, natatandaan mo ba humiling din kami sa iyo noon. Please lang kambal na kabuti tiparin mo ang hiling namin. Gusto ko siyang makasama habang buhay" Maya pa ay may nag-abot ng panyo sa akin. Kinuha ko ito saka pinunas sa mukha ko ng ibinalik ko ito ay may iniabot ulit siya na sulat, isang pamilyar na sulat. Bikoy's will. Nakahugis linya ang salitang ito, MAGING MASAYA KA SA PAGKAWALA KO. AT SA IKALAWANG BUHAY KO SISIGURADUHIN KONG MABUBUHAY AKO NG MATAGAL KASAMA KA. At may panibagong sulat na HINDI KO NA KAILANGAN HINTAYIN ANG IKALAWANG BUHAY KO DAHIL IKATLO NA ITO AT SISIGURADUHIN KONG MAKAKASAMA KITA HANGGAT NABUBUHAY AKO. Napatingin ako sa taong nag-abot ng sulat na ito saka ako napaluha sa tuwa ng makita ko siya. "BIKOY" sabay yakap niya sa akin mahigpit na mahigat hindi inaasahan na matumba at mapahiga kami sa damuhan. Hindi ko sadyang matamaan ang dibdib niya, hinawakan ko ito at tinanong kung okay lang ba siya. Ngumiti siya akin saka niya hinawakang kamay ko at ipinatong kung saan ang puso niya. "I'm sorry Bikay. Aaminin ko pagkatapos ng operasyon ko noon ay nagbago ako, gusto ko kasing subukan ang lahat ng hindi ko nagawa noon hanggang sa nakalimutan ko ang lumang tao sa buhay ko. Ang gago ko Bikay no, tatlong buwan kong ibinaling ang atensyon ko kay Cassie sa hindi ko maintindihang dahilan. Pero ngayong naiintindihan ko na, puso lang ni Arthur ang nasa akin ngunit hindi ang utak at dugo ko. Ikaw pa rin Bikay. Ikaw pa rin ang nanaig dahil dumadaloy kana sa dugo at nakatatak kana sa isipan ko". --bikoy Nagpaalam muna ako sa Hospital na hindi ako makakapasok ngayon. Sumunod na rin pala ako sa yapak ni Papa. Nagaaral na rin ako ng medisina. Habang naglalakbay kami ni Bikoy, napansin ko ang isang lugar na pamilyar sa aming dalawa atsaka kami huminto sa isang sementeryo. Nagdala siya ng bulaklak at inilagay sa puntod. "Salamat Arthur" --bikoy the end "Paano ka nakakasigurado" biglang sabat ng isang familiar na boses sa akin.

React
  • React
  • Love
  • HaHa
  • WoW
  • Sad
  • Angry
Comment
Share
  • 00:00
     
    APRILYN JOY PAMINTUAN profile picture
    APRILYN JOY PAMINTUAN
    Translate   9 years ago

    Habang isinisigaw niya ang nararamdaman niya sa akin ay nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Ramdam ko ang sakit na naidulot ko sa taong pinakamamahal ko.Ramdam ko bawat salitang lumabas sa bibig niya at ramdam kong hirap na hirap na siya. Bikay! Ito na ba ang pagsuko mo sa akin? Ito na ba? "Hindi ko na kaya" . Napatulala ako ng marinig ko iyon sa kanya. Tama nga ako, ito na ang pagsuko ni Bikay sa akin. "Ibang Bikoy na ako" yun na lamang ang nasabi ko sa kanya. Inihagis niya ang isang sulat at singsing sa akin. Pinulot ko iyon at pinakita kong itinapon ko iyon sa basurahan. Naisip ko munang magpakalayo, malayo kay Bikay. Pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang susi ng sasakyan. Nang palabas na ako sa gate ay bumaba muna ako para kunin yung sulat at singsing na itinapon ko. Shit! Para akong basurerong nagkakalkal hanggang sa makita ko ang mga ito at ibinulsa. Bikay! Ito ang gusto mo diba? Ang sumuko at isuko kita -bikoy "Brit!" tawag ko sa kanya paglabas niya ng bahay. "Ang aga mo ha?" Asar niya sakin "Siyempre gusto ko kasi umpisa palang ng araw ako na ang makikita mo lagi" sagot ko naman sa kanya. Ngayon ang umpisa ng panliligaw ko kay Brit at wala akong palalampasin oras para makuha ang matamis niyang "OO". Ilang buwan na rin naming hindi nakikita si Brent. Wala rin kaming balita kung nasaan siya. Never ko na rin narinig kay Brit ang pangalan niya. Isa sa mga misyon ko ang makalimutan ni Brit si Brent.Naging maayus na ang lahat, masaya ako na nakikita kong masaya si Brit pero minsan hindi maalis sa isip ko kung hanggang kailan ba ito? Sana hindi na ito matapos. -Miko "Ang tiyaga ni Miko sa'yo friend. Consistent" asar sa akin ni Monic Paano ba naman dalawang buwan na rin na nanliligaw si Miko sa akin. Masaya ako sa sitwasyon namin ngayon, masaya ako na makita rin siyang masaya pero minsan naiisip ko si Brent. Nasaan na kaya siya? Hindi ko maiwasang magalala sa kanya lalo na alam ko ang kundisyon niya. Iniiwasan ko magtanong o di kaya magbanggit ang pangalan ni Brent dahil ayoko masaktan si Miko. "Kelan mo balak sagutin si Miko? Sige ka , pag iyan nagsawa sa'yo?" Asar na tanong ni Monic sa akin. Kelan nga ba? "Sa birthday niya?" Biglang sagot ko sa kanya. Sa makalawa na ang birthday ni Miko at gusto ko siyang maging masaya. Gusto ko siyang pasiyahin sa mahalagang araw ng buhay niya. Nandito ako ngayon sa lagi naming pinagbabakasyunan nila Bikay noon. Dito muna ako pinatuloy ng Papa ni Bikay. Sabi niya kasi kailangan ko magpahinga, iwas sa sakit at stress. Mas mahirap palang magmove on dito. Lahat ng memory namin ni Bikay ay nandito. Sabay kumain, sabay magtoothbrush, sabay maligo at sabay matulog. Naalala ko na dito kami naghanap ng kabuting ligaw. Sabi kasi ng mga tao dito pag nakahanap kami ng kabuting kambal humiling kami at magkakatotoo. "Kapag nakakita ka ng kambal na kabuti, ano ang hihilingin mo?" -bikay "Hihilingin ko na gumaling ako para maprotektahan at mapakasalan ka". Saka ko siya binigyan nang kending singsing na parang chupon na uso noon. Ah! May nakita ako. Itinulak ako ni Bikay at nasubsob pero imbis na magalit ako natuwa ako at hinalikan siya. Hindi ko namalayan na naluluha na naman ako pilit kong pinipigil pero hindi ko magawa, sinabihan na ako ng Papa ni Bikay na bawasan ang pag-iyak. Muli ko nanaman binasa ang sulat ko kay Bikay, ito yung sulat na inihagis niya sa akin. Namimiss ko si Bikay at konting panahon nalang ay babalikan ko siya ng buong buo. Nakaramdam ako ng inip kaya minabuti ko munang maglakad lakad. Sa di kalayuan may nakita akong sementeryo bigla naman akong napahinto sa paglalakad ng bigla kong nakita ang mga magulang ni Miko. "Tito, Tita" respetong tawag ko sa kanila. "Oh Iho. Kumusta kana? I'm glad your alive" sabi ni Tito sa akin. Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ng Mommy ni Miko. Mahigpit na yakap na parang may pinapahiwatig. Saka ko naramdaman ang mga luha niya na dumampi sa balikat ko. "Don't mind me Iho" sabi ni Tita sabay pagkawala ng yakap sa akin. "Sino pong pupuntahan niyo dito". "Si Arthur Iho" "Dito po ba siya nagtatrabaho?" "Palabiro ka talaga Iho. Dito siya nakalibing" bigla akong nanlamig ng marinig ko iyon. Bigla akong napatingin sa puntod na kinatatayuan ko. R. I. P Arthur San Diego May 16, 1989 - September 20,2015 Ayoko magisip ng masama pero kinukutuban ako kaya hindi ko na napagilan ang sarili ko magtanong. "Tito, Tita" hindi pa ako natatapos magtanong ay nakita kong humagulgol na ng iyak si Tita. Lalo akong kinabahan sa susunod pang mangyayari. "Don't tell me you didn't know Iho?" Tanong ni Tito sa akin "What is it Tito?" Maluha-luha kong tanong sa kanila. "Read this Iho" ibinigay ni Tita ang isang sulat sa akin. Binuklat ko ito at binasa. Isang medical agreement na nagkakasundo ang dalawang partida na idonate ang puso ni Arthur sa napili nitong recepient. At dun na ako humagulgol ng iyak. Recepient name : Brent Miranda This is it! Ito ang Big Day Bikay! Wala ng urungan ito Bikay! Litanya ko sa sarili ko habang sinasampal sampal ko ang sarili ko. Paalis na ako sa bahay ngayon at pupunta sa bahay nila Miko. Doon kasi gagawin ang kaarawan niya. Okay naman iyon dahil malaki ang bakuran nila. Palabas na ako ng bahay ng maisip ko na parang may nakalimutan ko. Bumalik ako sa kwarto, ayun nga naiwan ko ang purse ko. Pagkakuha ko sa purse ko ay siya namang pagkahulog ng isang litrato. Pinulot ko ito at tinignan. "Bikoy" saka ko pinunas ang luha na kusang tumulo sa mata ko.Dali na kong bumaba at lumabas ng bahay ng mapansin ko ang isang sasakyan na nasa di kalayuan ng harap ng bahay namin. Pakiramdam ko kilala ko ang taong nasa sasakyan kaya nagmadali ako lumabas ng gate ngunit siya naman pagalis niya. Pakiramdam ko talaga kakilala ko ang taong iyon. Ito nga pala ang plano. May program mamaya na papatayin lahat ng ilaw at ipapakilala ang birthday celebrant. Bago pa man masindi ang ilaw ay hihilain ko si Miko at dadalhin sa kwartong pinaayos ko kay Monic upan dekorasyonan. Tiyak na magiging memorable ito para kay Miko. Excited akong nakarating sa bahay nila Miko. At sa sobrang kaexcited ko mukhang napaaga yata ako, habang naghihintay ako sa loob at nagmamasid masid bigla akong napahinto sa isang larawan, larawan nina Miko, Cassie at ng isang lalaki na pamilyar sa akin. "That's Arthur" Sa gulat ko ay muntik ko ng maibagsak ang larawan. Napatulala ako sa kagwapuhan ng lalaking tumambad sa harapan ko. "Hindi ka pa pwedeng magpakita di ba?" Tanong ko kay Miko. "Di kita matiis eh" sabay yakap sa akin. "Bakit nandito si Cassie?" "She's my brother's ex-gf" nanlaki naman ang mga mata ko ng malaman ko iyon. Dahil sa nakatulala ako sa kanya, inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko na para bang hahalikan niya ako ng biglang nakarinig kami ng ingay mula sa labas hudyat na magsisimula na ang party. Nang malapit na ang programang hinihintay ko ay tinawagan ko na si Monic para kumpirmahin kung okay na ang lahat na pinagawa ko sa kanya. Maya pa ay pinatay na ang lahat ng ilaw at tanging naririnig namin ingay ay ang baklang host na nagsasalita. Umakyat ako sa stage bago pa man buksan ang ilaw atsaka nagpunta sa gitna ng stage. Naramdaman kong may nabunggo ako, malamang si Miko na iyon. Hinahanap ko ang kamay niya ngunit tila may nahawakan akong kakaiba sa katawan niya. Naramdaman niya yata na kamay niya ang hinahanap ko kaya kusa niya itong iniabot. Sa pagkakataong hinawakan ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng kakaiba. May bigla akong naisip na hindi naman dapat. Bakit ganito? Sa pagkahawak ng kamay ko sa kanya ay naalala ko si Bikoy, tila nararamdaman ko ang presensiya niya. Umiling ako at binalewala ang nararamdaman ko at patuloy na hinila siya hanggang sa makarating na kami sa kwartong ipinahanda ko kay Monic.

    React
    • React
    • Love
    • HaHa
    • WoW
    • Sad
    • Angry
    Comment
    Share
    • 00:00
       
      APRILYN JOY PAMINTUAN profile picture
      APRILYN JOY PAMINTUAN
      Translate   9 years ago

      Switch of Hearts "Cassie" - bikoy. "Bikoy" - bikay. "Cassie" - bikoy. "Biiiiikkkooo" napatingin nalang ako sa kanya ng lampasan niya ako. Lintik na Bikoy, akala ko naman ako ang tinatawag niya. IBA NAMAN PALA. "ARAY!" Bigla ba naman kasing may bumangga sa akin. "Tanga ka ba? O hindi mo lang talaga ako nakita?" "Hindi kita nakita, ang liit mo kasi" sigaw naman nung buwisit na nambangga sa akin. "Bikay" sigaw ni Bikoy habang papalapit sa akin. "Si Cassie nga pala" pakilala niya sa akin sa kasama niyang maganda, maputi at tila modelong babae. Siyempre ako naman na babaeng morena at di katangkaran ay tinignan siya mula ulo hanggang paa. "EHEM!!" Pasimpleng ubo niya kaya medyo lumayo ako sa kanya saka naman niya ako ningitian.Lumapit naman sa akin si Bikoy,sabay paamoy ng kilikili niya sa akin, hinawakan sa ulo at saka nagpaalam na may pupuntahan sila. Pesti talaga tong si Bikoy hanggang dito sa school dinala niya yung ugali niyang yun. Habang tinitignan ko silang naglalakad palayo bumalikid naman ng tingin uli sa akin si Cassie saka ngumiti. Yung ngiti niya, may kakaiba talaga sa ngiti niya, parang . . . "Bikay! Salo!" Sigaw ni Bikoy sabay hagis sa bag niyang mabigat. Lintik talaga ako nanaman ang gagawin niyang panakip butas sa Mommy niya. "Brit!" -Monic "Kilala mo ba yun?" Tanong ko kay Monic sabay turo kay Cassie. "Shit! Si Cassie Montenegro yan. "Montenegro?" tanong ko sa sarili ko. Parang narinig ko na yun pero di ko matandaan kung saan. Ang ganda niya no? At ang katawan ang seksi parang coke lang, di tulad ng iba DYAN coke in can" litanya niya sabay tingin sa akin. Bwisit talaga sa buhay ko tong si Monic, lakas mang-asar at manira ng moment. "Crush na crush ko yan Brit!" Dagdag pa niya. "Sshhhh!" Saka ko siya inirapan. Si Monic ang bestfriend ko na krung-krung. Hindi ko alam kung babae o lalaki ba talaga ang gusto niya. Habang naglalakad kami at walang tigil sa kakatalak itong si Monic ako naman ay bigat na bigat na sa bag ni Bikoy. "Tulungan mo nga ako" reklamo ko sa kanya "Brit! Hindi ka ba napapagod?" Tanong niya sa akin habang kinukuha niya ang dala kong bag. "Napapagod saan?" "Kay Brent!" -monic "Kelan mo ba matatanggap na iba na siya at may iba na?". Hindi ako nakaimik sa tanong niya sa akin. Yumuko nalang ako sabay hawak sa dibdib ko na biglang kumirot. Patuloy kaming naglakad ni Monic hanggang sa makarating sa bahay nila Bikoy. "Brit! Ako yung napapagod sa'yo eh. Kelan mo ba ito ihihinto?" "Monic, sige mauna kana" sabi ko sakanya para hindi ko na kelangan sagutin ang tanong niya. Tatlong buwan ng tinatanong sa akin iyan ni Monic. Nakakairita na rin minsan at nakuha ko ng mamemorize lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa bahay ni Bikoy. "Nasaan si Bikoy" tanong ng Mommy niya sa akin "Ahhh... May lakad daw po sila ng mga kagroup niya Tita" pagpapalusot ko naman "Pasensya kana kay Brent, hindi na rin namin alam bakit ang laki na ng pinagbago niya" "Wala po iyon" tatlong buwan ko na rin itong sinasabi sa Mommy ni Bikoy. "Halika, dito ka na muna magdinner" pagyaya ng Mommy niya sa akin. Sanay na ako sa bahay na ito. Itinuring na rin akong kapamilya nila paano ba naman bata pa kami ni Bikoy lagi na kaming magkasama. Natapos ang dinner at nagpahinga muna ako sa sala. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga larawan na nakadisplay na nagpapaalala kung gaano kami kadikit ni Bikoy, kung gaano na rin kahaba ang mga pinagsamahan namin. Hindi ko mapigilang maluha dahil namimiss ko na siya . . . . . . . . . . . . ang DATING BIKOY! "Mom, I'm home" sigaw ni Bikoy na tila napakasaya niya. Dali dali kong pinunas ang mga luha ko. Maya-maya pa ay may naramdaman akong biglang yumakap sa akin. "Bikay ang saya-saya ko" bulong niya. Ewan ko kung tama ba itong nararamdaman ko pero nakaramdam ako ng takot, ng kaba at higit sa lahat paninikip ng dibdib. Hinawakan ko ang dibdib ko na parang sasabog ng bigla niya akong . . . . . . . . Huminto ang mundo ko at napatitig na lang sa kanya. "Bikay! KAMI NA! BIKKKAAAYY!" Sabay alog niya sa akin at dun lang ako natauhan. Hinawakan ko ang labi ko saka ako yumuko na siya naman pagbagsak ng mga luha ko. Tumakbo ako palabas ng bahay.Tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon ayokong makita niya akong ganito. Sa paglabas ko sa garahe nila bigla naman bumuhos ang malakas naulan. Pucha! Talagang nakikisabay ang panahon sa akin pati ito ay umiiyak. Kumaripas ako ng takbo at nagpahinga muna saglit sa waiting shed. Dahil walang tao doon ko naisipan ibuhos lahat ng sakit ng loob ko. Nagsisigaw ako habang umiiyak , para akong sira ulo na sigaw ng sigaw pero somehow nakaramdam ako ng paggaan sa dibdib ko. "hoy! SISA!" Sigaw sa akin ng isang binatilyo na halos kadarating lang din sa waiting shed. "IKAW?" Sigaw ko sa kanya. Siya kasi yung taong nambangga sa akin kanina. Teka , ano nga ulit yung tinawag niya sa akin? "Hoy! Sinong SISA???" Pagmamalaki ng ga mata ko sa kanya. "Sino ba yung mag-isa lang dito kanina" mapangasar na sagot niya sa akin sabay tawa. Inirapan ko lang siya at di na pinansin sabay alis na sa waiting shed. Mabuti nalang . . ay lintik bigla nanaman bumuhos ang malakas na ulan pero sa pagtataka ko bakit wala akong nararamdaman na ulan na dumadampi sa katawan ko. "Sabihin mo na lang THANK YOU" bulong niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hindi ako pinapalingon sa kanya. Pero teka bakit iba itong pakiramdam ko sa kanya, bakit parang panatag ako sa kanya na wala siyang masamang gagawin sa akin?Nagpatuloy kami sa paglalakad, nauna ako sa kanya at nasa likuran ko naman siya na may hawak na malaking payong. Huminto siya bigla na siya naman ipinagtaka ko. Tinignan ko siya saka lang siya ngumiwi sa akin at tumingin sa kaliwa. Lintik.Nasa harap na pala ako ng bahay ni hindi ko man lang napansin.Teka, paano niyang nalaman na ito na ang bahay ko? Hindi pa siya nakakalayo ay hinabol ko siya saka ko siya hinila. "HOY!!!" Sigaw ko sa kanya ngunit ako'y napahinto. Magkalapit na magkalapit ang aming mukha. Dun ko lang siya natitigan ng matagal at sa pagkabigla ko ay . . . . "MIKO???" sabay hampas sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin na siyang pagkumpirma na siya nga si Miko. "Akala ko hindi mo na ako makikikilala" "Gagu ka!" Mura ko sa kanya. Sino naman di makakaaalala sa pasas mo sa mata. Sabay batok niya sa akin. Paano kasi may nunal na singlaki ng pasas si Miko sa gilid ng kanang mata niya. Ang saya saya ko kanina pagdating sa bahay at nung nakita ko si Bikay lalo akong naging masaya sa ibabalita ko sakanya. Hindi ko sinasadyang mahalikan si Bikay kanina pero bakit ganon? Bakit iba ang pakiramdam nung nahalikan ko siya. Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at nang makita ko ang mga mata niya para may kutsilyong tumusok sa dibdib ko. Hinabol ko ng lakad si Bikay dahil ayaw ko munang tumakbo. Nang makarating ako sa waiting shed. "MIKO". Anong ginagawa ni Miko dito? Bakit nasa likuran siya ni Bikay at pinapayungan? Sinundan ko sila sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa bahay ni Bikay. Nabitawan ko ang hawak kong payong sa nakita ko. Magkalapit na magkalapit ang mukha nilang dalawa. Nakaramdam ako ng inis at galit ngunit minabuti ko ng umuwi. -bikoy "Buti napauwi ka dito?" Tanong ko sakanya habang naghihintay kami ng order naming coffee. "May misyon ako dito" -miko "Misyonaryo ka na" -bikay "ARAY ha! Nakamura ng batok?" Reklamo ko sa kanya dahil binatukan nanaman niya ako. "Hindi ganon, basta malalaman mo rin sa TAMANG PANAHON" -miko "WOW ano to? ALDUB lang ang peg?" Saka naman siya tumawa sabay tanong anong ALDUB. Sarap batukan netong si Miko, palibhasa kasi galing bundok kaya walang alam na uso sa siyudad Habang patuloy kami sa pagkukwentuhan ay bigla akong nakaramdam ng mabigat na kamay sa braso ko. Lumingon ako at nakakita ng magandang babae sa likuran ko pag-angat ng mukha ko para makita ko ang mukha niya, si Cassie lang pala. "Tol!" Bati ni Bikoy kay Miko. "Can we join you guys?" Sabi naman ni Cassie. May linya din pala itong si Cassie sa kwento na ito kahit papaano eh no. "Musta?" Tanong ni Bikoy kay Miko. Ngumiti lang si Miko kay Bikoy at patuloy na kaming nagkwentuhang tatlo este apat pala kasama pala namin itong si Cassie. Habang nagkukwentuhan sila Bikoy at Miko hindi ko mapigilang mainis kay Cassie paano ba naman kung makadikit kay Bikoy parang linta ang sarap sabuyan ng asin. Hindi ko na nga masyadong naririnig ang kwentuhan dahil sa nakafocus ako sa lintang ito. "Ms. ,oorder ka ba?" Tanong ng waiter sa akin "Oo, paorder nga ng asin" sabi ko sa waiter saka nama nagtinginan sa akin sila Bikoy. "Umoorder ka ng asin?" Pabulong na tanong sa akin ni Miko. Napatingin ako sa kanya saka tumingin sa waiter. Sa sobrang inis ko hindi ko pala napansin na naipindot ko yung buzzer. "Miko". -cassie Will you excuse us." sabi naman ni Cassie saka sila tumayo ni Miko at pumasok sa coffee shop. "Bikay, yun palang kagabi". -bikoy "Ah wala yun, kalimutan mo na yun. Aksidente lang yun" "Hindi Bikay, gusto ko sanang sabihin na". Lumapit siya sa akin at tinitigan akong maigi, may kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Sobrang lakas ng kabog sa dibdb ko ng mga sandaling iyon. Teka . . . Hahalikan nanaman ba niya ako? Konting konti na lang ang distansya ng aming mukha at konting konti na lang ay magdidikit na ang aming mga labi ng . . . . . . "Brent" sigaw ni Cassie "Lets go!" Galit na pagyaya ni Cassie kay Bikoy. Umalis na silang dalawa at naiwan kami ni Miko. "Brit? Do you love him?" -miko "Whaattt?" Gulat na tanong ko sa kanya "Come on Brit. It's too obvious. Alam ko naman na simula bata pa mahal mo na si Brent" Napatingin na lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. "Bata pa tayo kilala ko na kayo ni Brent.Since then nakita ko na na mahal mo si Brent and he feels the same way. But sadly , everything turns in different way after his operation. Remember, nung umalis ako sinabi ko sa'yo na sa pagbalik ko poprotektahan kita. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang pangako kong iyon sa'yo. I will make you forget HIM, forget BRENT" Nagyaya ng umuwi si Brit, habang naglalakad kami papunta ng parking lot panay hawak ko naman sa pisngi ko, ang lakas manampal ni Brit. Shit! Bakit ko nga ba kasi siya nahalikan? Nang makarating na kami sa parking lot at pagbubuksan sana ng pintuan si Brit ay bigla niya akong yinakap sa likuran saka siya humagulgol ng iyak ramdam ko ang sakit na matagal niyang itinago. Humarap ako sa kanya at niyakap siya, napaupo ako habang yakap siya. Ramdam ko na kailangan niya ako, ramdam ko na ito ang tamang panahon para protektahan siya. -Miko Nakauwi na ako sa bahay , windang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga narinig kong sinabi ni Miko. Totoo bang mahal niya ako? Wait tatawagan ko nga si Monic.Paglabas ko ng kwarto siya namang bungad ni Monic sa akin. "Wow ha! Tatawagan palang sana kita andito kana agad?" Asar ko sa kanya. "Well oh well naramdaman ko kasing marami ka ng dapat ikwento sa akin" At yun nga nagsimula na akong magkwento kay Brit. Ungas din minsan to si Monic eh , hindi ko alam kung nakikinig ba sa kwento ko paano ba naman ay panay lakad at pinagtatanggal ang mga pictures namin ni Brent na nakadisplay sa kwarto ko. "Why not give him a chance. Ah . . . Tignan mo ito" - monic Lumapit ako para tignan ang hawak na litrato ni Monic. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Picture namin nila Miko, Brent, isang babae at ng isa pang lalaki na hindi ko na matandaan kung sino. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa babaeng nakangiti , yung ngiti niya parang nakita ko na iyon. "CASSIE" sabay pa kami ni Monic na nagbanggit sa pangalan niya.Parang nagflashback lahat sa akin yung mga oras na yun. Nakilala ko si Cassie at Miko sa hospital noon. Isa kasing surgeon si Papa at lagi akong sumasama noon sa hospital. Kung hindi ako nagkakamali yung isang lalaki sa litrato ay pasyente rin ni Papa. "Is she the reason why you're being so cold to me now? Brent, you're crazy! 3 months of courting and now that I said YES saka naman ganyan ang pinapakita mo sa akin? What the hell is wrong with you? You even try to kiss her in front of me. Are you listening? Who you looking at? Look out BRENT! -cassie SHIT! Muntik na kaming mabangga dahil sa nakita ko. Why is she crying?Why do I feel this way?Why does it hurt so bad? Pagkahatid ko kay Cassie dumiretso ako sa bahay ni Bikay.Habang hinihintay ko si Bikay na lumabas bigla kong nakita si Miko na palabas ng bahay nila. Bumababa ako ng sasakyan at pinuntahan siya.Tinawag ko si Miko at umupo muna saglit sa bakanteng lote na malapit sa kila Bikay. "Tol? May gusto ka ba kay Bikay?" Tanong ko kay Miko "Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya" sagot niya sa akin na nagpainit ng dugo ko at the same time nagpasakit ng dibdib ko. "May Cassie kana di ba?" -miko Tumingin lang ako at tumango sa kanya, sa mga oras na yun naramdaman kong para akong napipi na hindi makapagsalita. "Then take care of my EX- sister in law" sabi niya sa akin na siyang ikinagulat ko. "She's my brother's ex-gf. You know my brother right? -miko "Arthur?" Sagot ko sa kanya. "Anyway, May the best man win" sabi niya sa akin saka na siya umalis. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Arthur, my hospital buddy. Shit! Bakit hindi ko man lang natandaan na si Cassie ang gf ni Arthur. Shit!Shit! Mura ako ng mura habang pabalik na sa sasakyan.Aalis na sana ako pero bigla kong naisip si Bikay. Pumasok ako sa loob ng bahay pero hindi na ako kumatok. Nagpunta ako sa likod para kunin yung hagdan na gagamitin ko pagpunta sa kwarto ni Bikay tulad ng dati ko ng ginagawa. Pagpasok ko sa kwarto ni Bikay ay nakadungaw ang panty niya sa akin. Shit! Kumuha ako ng kumot at ikinumot ko sa kanya. Nilapitan ko siya sa kama at tumabi sa kanya. Nasa bandang gilid ako para mabilis ako makaalis. Pinagmamasdan ko siya wala pa ring pagbabago si Bikay tulo laway pa rin. Pero bakit siya lumuluha? Tinanggal ko ang earphone niya at inilagay sa tenga ko saka ko pinakinggan. Say something, I'm giving up on you I'm sorry that I couldn't get to you Anywhere I would've followed you Say something, I'm giving up on you And I... Will swallow my pride You're the one that I love And I'm saying goodbye Nagulat nalang ako ng bigla akong niyakap ni Bikay at patuloy pa rin sa pagluha. Hinayaan ko munang nakayakap sa akin nang may mapansin akong isang familiar na sulat at ng kukunin ko iyon ay saka naman bumalikid ng higa si Bikay at nadaganan yung sulat. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan nalang.Tumayo na ako sa kama ng biglang may nahulog, pinulot ko iyon at tinignan. Litrato namin nina Miko, Bikay, Cassie at Arthur. Kinuha ko ito at ibinulsa. Nagmasid muna ako sa kwarto bago umalis ng mapansin kong wala na ang mga larawan namin ni Bikay. Nakaramdam ako ng sakit at hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Ganito mo ba ako kagustong kalimutan Bikay? -bikoy Eh! Bakit ako nakakumot? Nakakapagtaka naman , hindi ko hilig magkumot kahit na malamig. Hindi rin ugali ni Papa na pumasok sa room ko. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga. This is it! Ito na ang araw na kailangan kong harapin si Bikoy,gusto kong marinig na mismo sa kanya na ayaw na niya sa akin para makapagpapasok na rin ako ng bagong tao sa panibagong buhay ko. Tama si Monic, siguro nga panahon na para buksan ko ang puso ko sa iba, kay Miko. Papasok ba ako o hindi? Nandito na kasi ako sa harap ng bahay ni Bikoy, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kaba. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero dumiretso ako sa likod. NanditO pa rin pala itong hagdan na ito. Umakyat na ako at nanlumo sa nakita ko. Si Bikoy nakapatong kay Cassie. Natulala ako ng makita niya rin ako. Nanginginig ako sa galit at nanlambot, marahan akong bumaba sa hagdan at naglakad palabas ng bahay nila. Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nila ng maramdaman kong may humila sa kamay ko. Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko ng malakas at puno ng galit si Bikoy. Bakit Bikoy? Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya. Ano bang ginawa ko sa'yo at kailangan mo akong saktan ng ganito. Bakit? Lahat ginawa ko para sa'yo, lahat inintindi ko Bikoy dahil ako lang ang nakakaintindi sa kundisyon mo. Sinundan kita sa lahat at binantayan tapos sa isang operasyon mo lang tatalikuran mo lahat, lahat ng meron sa ating dalawa. Tatlong buwan kong tinitiis ang pagtrato mo sa akin. Pero ngayon hindi ko na kaya Bikoy. Hindi ko na kaya. "Ibang Bikoy na ang kaharap mo" Yun lang ang narinig kong sinabi niya, sa galit ko hinagis ko sa kanya ang singsing at sulat na hawak ko.Pinunit itinapon sa basurahan. Tinignan saka na ako tumakbo palayo sa kaniya. Sa kakatakbo ko hindi ko na rin naramdaman na nabangga pala ako. Ganito pala kapag nasaktan nakakamanhid. "Miko" sabay yakap ko sa kanya. "Ano bang gusto mong gawin ko para ibalik mo yung dati mong pagtingin sa akin Brent!" Sigaw ni Cassie sa akin. Shit! Sino bang nagpapasok sa kaniya dito. Lumuhod si Cassie sa akin at umiiyak ngunit bakit ganito ang ikinikilos niya para siyan naka HIGH, ibinuklat niya ang zipper ko at hinawaka ang alaga ko, hindi ako sanay kaya itinayo ko si Cassie ngunit pinaghahalikan niya ako, halik na mainit at nakakapang-init. Unti-unti na akong nadadala ng init kayat inihiga ko si Cassie, hinubad ko ang aking damit. Saka niya hinawakan ang malaking peklat ko sa aking katawan. "Alam ko saan galing ito" bulong ni Cassie habang hinahalik halikan niya ako. Maya pa ay naramdaman kong may papaakyat sa bintana ng kwarto at nagulat ako sa nakita ko. Natulala akong makita siya na ganon ang posisyon ko. Nang bumaba na siya ay siya ring pagtakbo ko para habulin siya. Bikay! At tinanggap ko ang masakit ng sampal niya, kapalupot sa kamay

      React
      • React
      • Love
      • HaHa
      • WoW
      • Sad
      • Angry
      Comment
      Share
      • 00:00
         
        Load more...
        • More info
        • More info
        • More info
        • Following 0

        • More info
        • Followers 0

        Language
        • English
        • Arabic
        • Dutch
        • French
        • German
        • Italian
        • Portuguese
        • Russian
        • Spanish
        • Turkish

        © 2025 Opusia

        • About
        • Contact Us
        • More
          • Privacy Policy
          • Terms of Use

        Unfriend

        Are you sure you want to unfriend?

        Report this User

        Important!

        Are you sure that you want to remove this member from your family?

        You have sent "Love Your Work" Badz

        New member was successfully added to your family list!

        Crop your avatar

        avatar

        © 2025 Opusia

        Language
        • English
        • Arabic
        • Dutch
        • French
        • German
        • Italian
        • Portuguese
        • Russian
        • Spanish
        • Turkish
        • Home
        • About
        • Contact Us
        • Privacy Policy
        • Terms of Use

        Comment reported successfully.

        Post was successfully added to your timeline!

        You have reached your limit of friends!

        File size error: The file exceeds allowed the limit (6 MB) and can not be uploaded.

        Unable to upload a file: This file type is not supported.

        We have detected some adult content on the image you uploaded, therefore we have declined your upload process.

        Your post was submitted, we will review your content soon.

        To upload images, videos, and audio files, you have to upgrade to pro member. Upgrade To Pro

        Edit Offer

        0%