Habang isinisigaw niya ang nararamdaman niya sa akin ay nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Ramdam ko ang sakit na naidulot ko sa taong pinakamamahal ko.Ramdam ko bawat salitang lumabas sa bibig niya at ramdam kong hirap na hirap na siya. Bikay! Ito na ba ang pagsuko mo sa akin? Ito na ba? "Hindi ko na kaya" . Napatulala ako ng marinig ko iyon sa kanya. Tama nga ako, ito na ang pagsuko ni Bikay sa akin. "Ibang Bikoy na ako" yun na lamang ang nasabi ko sa kanya. Inihagis niya ang isang sulat at singsing sa akin. Pinulot ko iyon at pinakita kong itinapon ko iyon sa basurahan. Naisip ko munang magpakalayo, malayo kay Bikay. Pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang susi ng sasakyan. Nang palabas na ako sa gate ay bumaba muna ako para kunin yung sulat at singsing na itinapon ko. Shit! Para akong basurerong nagkakalkal hanggang sa makita ko ang mga ito at ibinulsa. Bikay! Ito ang gusto mo diba? Ang sumuko at isuko kita -bikoy "Brit!" tawag ko sa kanya paglabas niya ng bahay. "Ang aga mo ha?" Asar niya sakin "Siyempre gusto ko kasi umpisa palang ng araw ako na ang makikita mo lagi" sagot ko naman sa kanya. Ngayon ang umpisa ng panliligaw ko kay Brit at wala akong palalampasin oras para makuha ang matamis niyang "OO". Ilang buwan na rin naming hindi nakikita si Brent. Wala rin kaming balita kung nasaan siya. Never ko na rin narinig kay Brit ang pangalan niya. Isa sa mga misyon ko ang makalimutan ni Brit si Brent.Naging maayus na ang lahat, masaya ako na nakikita kong masaya si Brit pero minsan hindi maalis sa isip ko kung hanggang kailan ba ito? Sana hindi na ito matapos. -Miko "Ang tiyaga ni Miko sa'yo friend. Consistent" asar sa akin ni Monic Paano ba naman dalawang buwan na rin na nanliligaw si Miko sa akin. Masaya ako sa sitwasyon namin ngayon, masaya ako na makita rin siyang masaya pero minsan naiisip ko si Brent. Nasaan na kaya siya? Hindi ko maiwasang magalala sa kanya lalo na alam ko ang kundisyon niya. Iniiwasan ko magtanong o di kaya magbanggit ang pangalan ni Brent dahil ayoko masaktan si Miko. "Kelan mo balak sagutin si Miko? Sige ka , pag iyan nagsawa sa'yo?" Asar na tanong ni Monic sa akin. Kelan nga ba? "Sa birthday niya?" Biglang sagot ko sa kanya. Sa makalawa na ang birthday ni Miko at gusto ko siyang maging masaya. Gusto ko siyang pasiyahin sa mahalagang araw ng buhay niya. Nandito ako ngayon sa lagi naming pinagbabakasyunan nila Bikay noon. Dito muna ako pinatuloy ng Papa ni Bikay. Sabi niya kasi kailangan ko magpahinga, iwas sa sakit at stress. Mas mahirap palang magmove on dito. Lahat ng memory namin ni Bikay ay nandito. Sabay kumain, sabay magtoothbrush, sabay maligo at sabay matulog. Naalala ko na dito kami naghanap ng kabuting ligaw. Sabi kasi ng mga tao dito pag nakahanap kami ng kabuting kambal humiling kami at magkakatotoo. "Kapag nakakita ka ng kambal na kabuti, ano ang hihilingin mo?" -bikay "Hihilingin ko na gumaling ako para maprotektahan at mapakasalan ka". Saka ko siya binigyan nang kending singsing na parang chupon na uso noon. Ah! May nakita ako. Itinulak ako ni Bikay at nasubsob pero imbis na magalit ako natuwa ako at hinalikan siya. Hindi ko namalayan na naluluha na naman ako pilit kong pinipigil pero hindi ko magawa, sinabihan na ako ng Papa ni Bikay na bawasan ang pag-iyak. Muli ko nanaman binasa ang sulat ko kay Bikay, ito yung sulat na inihagis niya sa akin. Namimiss ko si Bikay at konting panahon nalang ay babalikan ko siya ng buong buo. Nakaramdam ako ng inip kaya minabuti ko munang maglakad lakad. Sa di kalayuan may nakita akong sementeryo bigla naman akong napahinto sa paglalakad ng bigla kong nakita ang mga magulang ni Miko. "Tito, Tita" respetong tawag ko sa kanila. "Oh Iho. Kumusta kana? I'm glad your alive" sabi ni Tito sa akin. Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ng Mommy ni Miko. Mahigpit na yakap na parang may pinapahiwatig. Saka ko naramdaman ang mga luha niya na dumampi sa balikat ko. "Don't mind me Iho" sabi ni Tita sabay pagkawala ng yakap sa akin. "Sino pong pupuntahan niyo dito". "Si Arthur Iho" "Dito po ba siya nagtatrabaho?" "Palabiro ka talaga Iho. Dito siya nakalibing" bigla akong nanlamig ng marinig ko iyon. Bigla akong napatingin sa puntod na kinatatayuan ko. R. I. P Arthur San Diego May 16, 1989 - September 20,2015 Ayoko magisip ng masama pero kinukutuban ako kaya hindi ko na napagilan ang sarili ko magtanong. "Tito, Tita" hindi pa ako natatapos magtanong ay nakita kong humagulgol na ng iyak si Tita. Lalo akong kinabahan sa susunod pang mangyayari. "Don't tell me you didn't know Iho?" Tanong ni Tito sa akin "What is it Tito?" Maluha-luha kong tanong sa kanila. "Read this Iho" ibinigay ni Tita ang isang sulat sa akin. Binuklat ko ito at binasa. Isang medical agreement na nagkakasundo ang dalawang partida na idonate ang puso ni Arthur sa napili nitong recepient. At dun na ako humagulgol ng iyak. Recepient name : Brent Miranda This is it! Ito ang Big Day Bikay! Wala ng urungan ito Bikay! Litanya ko sa sarili ko habang sinasampal sampal ko ang sarili ko. Paalis na ako sa bahay ngayon at pupunta sa bahay nila Miko. Doon kasi gagawin ang kaarawan niya. Okay naman iyon dahil malaki ang bakuran nila. Palabas na ako ng bahay ng maisip ko na parang may nakalimutan ko. Bumalik ako sa kwarto, ayun nga naiwan ko ang purse ko. Pagkakuha ko sa purse ko ay siya namang pagkahulog ng isang litrato. Pinulot ko ito at tinignan. "Bikoy" saka ko pinunas ang luha na kusang tumulo sa mata ko.Dali na kong bumaba at lumabas ng bahay ng mapansin ko ang isang sasakyan na nasa di kalayuan ng harap ng bahay namin. Pakiramdam ko kilala ko ang taong nasa sasakyan kaya nagmadali ako lumabas ng gate ngunit siya naman pagalis niya. Pakiramdam ko talaga kakilala ko ang taong iyon. Ito nga pala ang plano. May program mamaya na papatayin lahat ng ilaw at ipapakilala ang birthday celebrant. Bago pa man masindi ang ilaw ay hihilain ko si Miko at dadalhin sa kwartong pinaayos ko kay Monic upan dekorasyonan. Tiyak na magiging memorable ito para kay Miko. Excited akong nakarating sa bahay nila Miko. At sa sobrang kaexcited ko mukhang napaaga yata ako, habang naghihintay ako sa loob at nagmamasid masid bigla akong napahinto sa isang larawan, larawan nina Miko, Cassie at ng isang lalaki na pamilyar sa akin. "That's Arthur" Sa gulat ko ay muntik ko ng maibagsak ang larawan. Napatulala ako sa kagwapuhan ng lalaking tumambad sa harapan ko. "Hindi ka pa pwedeng magpakita di ba?" Tanong ko kay Miko. "Di kita matiis eh" sabay yakap sa akin. "Bakit nandito si Cassie?" "She's my brother's ex-gf" nanlaki naman ang mga mata ko ng malaman ko iyon. Dahil sa nakatulala ako sa kanya, inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko na para bang hahalikan niya ako ng biglang nakarinig kami ng ingay mula sa labas hudyat na magsisimula na ang party. Nang malapit na ang programang hinihintay ko ay tinawagan ko na si Monic para kumpirmahin kung okay na ang lahat na pinagawa ko sa kanya. Maya pa ay pinatay na ang lahat ng ilaw at tanging naririnig namin ingay ay ang baklang host na nagsasalita. Umakyat ako sa stage bago pa man buksan ang ilaw atsaka nagpunta sa gitna ng stage. Naramdaman kong may nabunggo ako, malamang si Miko na iyon. Hinahanap ko ang kamay niya ngunit tila may nahawakan akong kakaiba sa katawan niya. Naramdaman niya yata na kamay niya ang hinahanap ko kaya kusa niya itong iniabot. Sa pagkakataong hinawakan ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng kakaiba. May bigla akong naisip na hindi naman dapat. Bakit ganito? Sa pagkahawak ng kamay ko sa kanya ay naalala ko si Bikoy, tila nararamdaman ko ang presensiya niya. Umiling ako at binalewala ang nararamdaman ko at patuloy na hinila siya hanggang sa makarating na kami sa kwartong ipinahanda ko kay Monic.

  • React
  • Love
  • HaHa
  • WoW
  • Sad
  • Angry