Switch of Hearts "Cassie" - bikoy. "Bikoy" - bikay. "Cassie" - bikoy. "Biiiiikkkooo" napatingin nalang ako sa kanya ng lampasan niya ako. Lintik na Bikoy, akala ko naman ako ang tinatawag niya. IBA NAMAN PALA. "ARAY!" Bigla ba naman kasing may bumangga sa akin. "Tanga ka ba? O hindi mo lang talaga ako nakita?" "Hindi kita nakita, ang liit mo kasi" sigaw naman nung buwisit na nambangga sa akin. "Bikay" sigaw ni Bikoy habang papalapit sa akin. "Si Cassie nga pala" pakilala niya sa akin sa kasama niyang maganda, maputi at tila modelong babae. Siyempre ako naman na babaeng morena at di katangkaran ay tinignan siya mula ulo hanggang paa. "EHEM!!" Pasimpleng ubo niya kaya medyo lumayo ako sa kanya saka naman niya ako ningitian.Lumapit naman sa akin si Bikoy,sabay paamoy ng kilikili niya sa akin, hinawakan sa ulo at saka nagpaalam na may pupuntahan sila. Pesti talaga tong si Bikoy hanggang dito sa school dinala niya yung ugali niyang yun. Habang tinitignan ko silang naglalakad palayo bumalikid naman ng tingin uli sa akin si Cassie saka ngumiti. Yung ngiti niya, may kakaiba talaga sa ngiti niya, parang . . . "Bikay! Salo!" Sigaw ni Bikoy sabay hagis sa bag niyang mabigat. Lintik talaga ako nanaman ang gagawin niyang panakip butas sa Mommy niya. "Brit!" -Monic "Kilala mo ba yun?" Tanong ko kay Monic sabay turo kay Cassie. "Shit! Si Cassie Montenegro yan. "Montenegro?" tanong ko sa sarili ko. Parang narinig ko na yun pero di ko matandaan kung saan. Ang ganda niya no? At ang katawan ang seksi parang coke lang, di tulad ng iba DYAN coke in can" litanya niya sabay tingin sa akin. Bwisit talaga sa buhay ko tong si Monic, lakas mang-asar at manira ng moment. "Crush na crush ko yan Brit!" Dagdag pa niya. "Sshhhh!" Saka ko siya inirapan. Si Monic ang bestfriend ko na krung-krung. Hindi ko alam kung babae o lalaki ba talaga ang gusto niya. Habang naglalakad kami at walang tigil sa kakatalak itong si Monic ako naman ay bigat na bigat na sa bag ni Bikoy. "Tulungan mo nga ako" reklamo ko sa kanya "Brit! Hindi ka ba napapagod?" Tanong niya sa akin habang kinukuha niya ang dala kong bag. "Napapagod saan?" "Kay Brent!" -monic "Kelan mo ba matatanggap na iba na siya at may iba na?". Hindi ako nakaimik sa tanong niya sa akin. Yumuko nalang ako sabay hawak sa dibdib ko na biglang kumirot. Patuloy kaming naglakad ni Monic hanggang sa makarating sa bahay nila Bikoy. "Brit! Ako yung napapagod sa'yo eh. Kelan mo ba ito ihihinto?" "Monic, sige mauna kana" sabi ko sakanya para hindi ko na kelangan sagutin ang tanong niya. Tatlong buwan ng tinatanong sa akin iyan ni Monic. Nakakairita na rin minsan at nakuha ko ng mamemorize lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa bahay ni Bikoy. "Nasaan si Bikoy" tanong ng Mommy niya sa akin "Ahhh... May lakad daw po sila ng mga kagroup niya Tita" pagpapalusot ko naman "Pasensya kana kay Brent, hindi na rin namin alam bakit ang laki na ng pinagbago niya" "Wala po iyon" tatlong buwan ko na rin itong sinasabi sa Mommy ni Bikoy. "Halika, dito ka na muna magdinner" pagyaya ng Mommy niya sa akin. Sanay na ako sa bahay na ito. Itinuring na rin akong kapamilya nila paano ba naman bata pa kami ni Bikoy lagi na kaming magkasama. Natapos ang dinner at nagpahinga muna ako sa sala. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga larawan na nakadisplay na nagpapaalala kung gaano kami kadikit ni Bikoy, kung gaano na rin kahaba ang mga pinagsamahan namin. Hindi ko mapigilang maluha dahil namimiss ko na siya . . . . . . . . . . . . ang DATING BIKOY! "Mom, I'm home" sigaw ni Bikoy na tila napakasaya niya. Dali dali kong pinunas ang mga luha ko. Maya-maya pa ay may naramdaman akong biglang yumakap sa akin. "Bikay ang saya-saya ko" bulong niya. Ewan ko kung tama ba itong nararamdaman ko pero nakaramdam ako ng takot, ng kaba at higit sa lahat paninikip ng dibdib. Hinawakan ko ang dibdib ko na parang sasabog ng bigla niya akong . . . . . . . . Huminto ang mundo ko at napatitig na lang sa kanya. "Bikay! KAMI NA! BIKKKAAAYY!" Sabay alog niya sa akin at dun lang ako natauhan. Hinawakan ko ang labi ko saka ako yumuko na siya naman pagbagsak ng mga luha ko. Tumakbo ako palabas ng bahay.Tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon ayokong makita niya akong ganito. Sa paglabas ko sa garahe nila bigla naman bumuhos ang malakas naulan. Pucha! Talagang nakikisabay ang panahon sa akin pati ito ay umiiyak. Kumaripas ako ng takbo at nagpahinga muna saglit sa waiting shed. Dahil walang tao doon ko naisipan ibuhos lahat ng sakit ng loob ko. Nagsisigaw ako habang umiiyak , para akong sira ulo na sigaw ng sigaw pero somehow nakaramdam ako ng paggaan sa dibdib ko. "hoy! SISA!" Sigaw sa akin ng isang binatilyo na halos kadarating lang din sa waiting shed. "IKAW?" Sigaw ko sa kanya. Siya kasi yung taong nambangga sa akin kanina. Teka , ano nga ulit yung tinawag niya sa akin? "Hoy! Sinong SISA???" Pagmamalaki ng ga mata ko sa kanya. "Sino ba yung mag-isa lang dito kanina" mapangasar na sagot niya sa akin sabay tawa. Inirapan ko lang siya at di na pinansin sabay alis na sa waiting shed. Mabuti nalang . . ay lintik bigla nanaman bumuhos ang malakas na ulan pero sa pagtataka ko bakit wala akong nararamdaman na ulan na dumadampi sa katawan ko. "Sabihin mo na lang THANK YOU" bulong niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hindi ako pinapalingon sa kanya. Pero teka bakit iba itong pakiramdam ko sa kanya, bakit parang panatag ako sa kanya na wala siyang masamang gagawin sa akin?Nagpatuloy kami sa paglalakad, nauna ako sa kanya at nasa likuran ko naman siya na may hawak na malaking payong. Huminto siya bigla na siya naman ipinagtaka ko. Tinignan ko siya saka lang siya ngumiwi sa akin at tumingin sa kaliwa. Lintik.Nasa harap na pala ako ng bahay ni hindi ko man lang napansin.Teka, paano niyang nalaman na ito na ang bahay ko? Hindi pa siya nakakalayo ay hinabol ko siya saka ko siya hinila. "HOY!!!" Sigaw ko sa kanya ngunit ako'y napahinto. Magkalapit na magkalapit ang aming mukha. Dun ko lang siya natitigan ng matagal at sa pagkabigla ko ay . . . . "MIKO???" sabay hampas sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin na siyang pagkumpirma na siya nga si Miko. "Akala ko hindi mo na ako makikikilala" "Gagu ka!" Mura ko sa kanya. Sino naman di makakaaalala sa pasas mo sa mata. Sabay batok niya sa akin. Paano kasi may nunal na singlaki ng pasas si Miko sa gilid ng kanang mata niya. Ang saya saya ko kanina pagdating sa bahay at nung nakita ko si Bikay lalo akong naging masaya sa ibabalita ko sakanya. Hindi ko sinasadyang mahalikan si Bikay kanina pero bakit ganon? Bakit iba ang pakiramdam nung nahalikan ko siya. Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at nang makita ko ang mga mata niya para may kutsilyong tumusok sa dibdib ko. Hinabol ko ng lakad si Bikay dahil ayaw ko munang tumakbo. Nang makarating ako sa waiting shed. "MIKO". Anong ginagawa ni Miko dito? Bakit nasa likuran siya ni Bikay at pinapayungan? Sinundan ko sila sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa bahay ni Bikay. Nabitawan ko ang hawak kong payong sa nakita ko. Magkalapit na magkalapit ang mukha nilang dalawa. Nakaramdam ako ng inis at galit ngunit minabuti ko ng umuwi. -bikoy "Buti napauwi ka dito?" Tanong ko sakanya habang naghihintay kami ng order naming coffee. "May misyon ako dito" -miko "Misyonaryo ka na" -bikay "ARAY ha! Nakamura ng batok?" Reklamo ko sa kanya dahil binatukan nanaman niya ako. "Hindi ganon, basta malalaman mo rin sa TAMANG PANAHON" -miko "WOW ano to? ALDUB lang ang peg?" Saka naman siya tumawa sabay tanong anong ALDUB. Sarap batukan netong si Miko, palibhasa kasi galing bundok kaya walang alam na uso sa siyudad Habang patuloy kami sa pagkukwentuhan ay bigla akong nakaramdam ng mabigat na kamay sa braso ko. Lumingon ako at nakakita ng magandang babae sa likuran ko pag-angat ng mukha ko para makita ko ang mukha niya, si Cassie lang pala. "Tol!" Bati ni Bikoy kay Miko. "Can we join you guys?" Sabi naman ni Cassie. May linya din pala itong si Cassie sa kwento na ito kahit papaano eh no. "Musta?" Tanong ni Bikoy kay Miko. Ngumiti lang si Miko kay Bikoy at patuloy na kaming nagkwentuhang tatlo este apat pala kasama pala namin itong si Cassie. Habang nagkukwentuhan sila Bikoy at Miko hindi ko mapigilang mainis kay Cassie paano ba naman kung makadikit kay Bikoy parang linta ang sarap sabuyan ng asin. Hindi ko na nga masyadong naririnig ang kwentuhan dahil sa nakafocus ako sa lintang ito. "Ms. ,oorder ka ba?" Tanong ng waiter sa akin "Oo, paorder nga ng asin" sabi ko sa waiter saka nama nagtinginan sa akin sila Bikoy. "Umoorder ka ng asin?" Pabulong na tanong sa akin ni Miko. Napatingin ako sa kanya saka tumingin sa waiter. Sa sobrang inis ko hindi ko pala napansin na naipindot ko yung buzzer. "Miko". -cassie Will you excuse us." sabi naman ni Cassie saka sila tumayo ni Miko at pumasok sa coffee shop. "Bikay, yun palang kagabi". -bikoy "Ah wala yun, kalimutan mo na yun. Aksidente lang yun" "Hindi Bikay, gusto ko sanang sabihin na". Lumapit siya sa akin at tinitigan akong maigi, may kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Sobrang lakas ng kabog sa dibdb ko ng mga sandaling iyon. Teka . . . Hahalikan nanaman ba niya ako? Konting konti na lang ang distansya ng aming mukha at konting konti na lang ay magdidikit na ang aming mga labi ng . . . . . . "Brent" sigaw ni Cassie "Lets go!" Galit na pagyaya ni Cassie kay Bikoy. Umalis na silang dalawa at naiwan kami ni Miko. "Brit? Do you love him?" -miko "Whaattt?" Gulat na tanong ko sa kanya "Come on Brit. It's too obvious. Alam ko naman na simula bata pa mahal mo na si Brent" Napatingin na lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. "Bata pa tayo kilala ko na kayo ni Brent.Since then nakita ko na na mahal mo si Brent and he feels the same way. But sadly , everything turns in different way after his operation. Remember, nung umalis ako sinabi ko sa'yo na sa pagbalik ko poprotektahan kita. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang pangako kong iyon sa'yo. I will make you forget HIM, forget BRENT" Nagyaya ng umuwi si Brit, habang naglalakad kami papunta ng parking lot panay hawak ko naman sa pisngi ko, ang lakas manampal ni Brit. Shit! Bakit ko nga ba kasi siya nahalikan? Nang makarating na kami sa parking lot at pagbubuksan sana ng pintuan si Brit ay bigla niya akong yinakap sa likuran saka siya humagulgol ng iyak ramdam ko ang sakit na matagal niyang itinago. Humarap ako sa kanya at niyakap siya, napaupo ako habang yakap siya. Ramdam ko na kailangan niya ako, ramdam ko na ito ang tamang panahon para protektahan siya. -Miko Nakauwi na ako sa bahay , windang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga narinig kong sinabi ni Miko. Totoo bang mahal niya ako? Wait tatawagan ko nga si Monic.Paglabas ko ng kwarto siya namang bungad ni Monic sa akin. "Wow ha! Tatawagan palang sana kita andito kana agad?" Asar ko sa kanya. "Well oh well naramdaman ko kasing marami ka ng dapat ikwento sa akin" At yun nga nagsimula na akong magkwento kay Brit. Ungas din minsan to si Monic eh , hindi ko alam kung nakikinig ba sa kwento ko paano ba naman ay panay lakad at pinagtatanggal ang mga pictures namin ni Brent na nakadisplay sa kwarto ko. "Why not give him a chance. Ah . . . Tignan mo ito" - monic Lumapit ako para tignan ang hawak na litrato ni Monic. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Picture namin nila Miko, Brent, isang babae at ng isa pang lalaki na hindi ko na matandaan kung sino. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa babaeng nakangiti , yung ngiti niya parang nakita ko na iyon. "CASSIE" sabay pa kami ni Monic na nagbanggit sa pangalan niya.Parang nagflashback lahat sa akin yung mga oras na yun. Nakilala ko si Cassie at Miko sa hospital noon. Isa kasing surgeon si Papa at lagi akong sumasama noon sa hospital. Kung hindi ako nagkakamali yung isang lalaki sa litrato ay pasyente rin ni Papa. "Is she the reason why you're being so cold to me now? Brent, you're crazy! 3 months of courting and now that I said YES saka naman ganyan ang pinapakita mo sa akin? What the hell is wrong with you? You even try to kiss her in front of me. Are you listening? Who you looking at? Look out BRENT! -cassie SHIT! Muntik na kaming mabangga dahil sa nakita ko. Why is she crying?Why do I feel this way?Why does it hurt so bad? Pagkahatid ko kay Cassie dumiretso ako sa bahay ni Bikay.Habang hinihintay ko si Bikay na lumabas bigla kong nakita si Miko na palabas ng bahay nila. Bumababa ako ng sasakyan at pinuntahan siya.Tinawag ko si Miko at umupo muna saglit sa bakanteng lote na malapit sa kila Bikay. "Tol? May gusto ka ba kay Bikay?" Tanong ko kay Miko "Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya" sagot niya sa akin na nagpainit ng dugo ko at the same time nagpasakit ng dibdib ko. "May Cassie kana di ba?" -miko Tumingin lang ako at tumango sa kanya, sa mga oras na yun naramdaman kong para akong napipi na hindi makapagsalita. "Then take care of my EX- sister in law" sabi niya sa akin na siyang ikinagulat ko. "She's my brother's ex-gf. You know my brother right? -miko "Arthur?" Sagot ko sa kanya. "Anyway, May the best man win" sabi niya sa akin saka na siya umalis. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Arthur, my hospital buddy. Shit! Bakit hindi ko man lang natandaan na si Cassie ang gf ni Arthur. Shit!Shit! Mura ako ng mura habang pabalik na sa sasakyan.Aalis na sana ako pero bigla kong naisip si Bikay. Pumasok ako sa loob ng bahay pero hindi na ako kumatok. Nagpunta ako sa likod para kunin yung hagdan na gagamitin ko pagpunta sa kwarto ni Bikay tulad ng dati ko ng ginagawa. Pagpasok ko sa kwarto ni Bikay ay nakadungaw ang panty niya sa akin. Shit! Kumuha ako ng kumot at ikinumot ko sa kanya. Nilapitan ko siya sa kama at tumabi sa kanya. Nasa bandang gilid ako para mabilis ako makaalis. Pinagmamasdan ko siya wala pa ring pagbabago si Bikay tulo laway pa rin. Pero bakit siya lumuluha? Tinanggal ko ang earphone niya at inilagay sa tenga ko saka ko pinakinggan. Say something, I'm giving up on you I'm sorry that I couldn't get to you Anywhere I would've followed you Say something, I'm giving up on you And I... Will swallow my pride You're the one that I love And I'm saying goodbye Nagulat nalang ako ng bigla akong niyakap ni Bikay at patuloy pa rin sa pagluha. Hinayaan ko munang nakayakap sa akin nang may mapansin akong isang familiar na sulat at ng kukunin ko iyon ay saka naman bumalikid ng higa si Bikay at nadaganan yung sulat. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan nalang.Tumayo na ako sa kama ng biglang may nahulog, pinulot ko iyon at tinignan. Litrato namin nina Miko, Bikay, Cassie at Arthur. Kinuha ko ito at ibinulsa. Nagmasid muna ako sa kwarto bago umalis ng mapansin kong wala na ang mga larawan namin ni Bikay. Nakaramdam ako ng sakit at hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Ganito mo ba ako kagustong kalimutan Bikay? -bikoy Eh! Bakit ako nakakumot? Nakakapagtaka naman , hindi ko hilig magkumot kahit na malamig. Hindi rin ugali ni Papa na pumasok sa room ko. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga. This is it! Ito na ang araw na kailangan kong harapin si Bikoy,gusto kong marinig na mismo sa kanya na ayaw na niya sa akin para makapagpapasok na rin ako ng bagong tao sa panibagong buhay ko. Tama si Monic, siguro nga panahon na para buksan ko ang puso ko sa iba, kay Miko. Papasok ba ako o hindi? Nandito na kasi ako sa harap ng bahay ni Bikoy, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kaba. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero dumiretso ako sa likod. NanditO pa rin pala itong hagdan na ito. Umakyat na ako at nanlumo sa nakita ko. Si Bikoy nakapatong kay Cassie. Natulala ako ng makita niya rin ako. Nanginginig ako sa galit at nanlambot, marahan akong bumaba sa hagdan at naglakad palabas ng bahay nila. Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nila ng maramdaman kong may humila sa kamay ko. Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko ng malakas at puno ng galit si Bikoy. Bakit Bikoy? Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya. Ano bang ginawa ko sa'yo at kailangan mo akong saktan ng ganito. Bakit? Lahat ginawa ko para sa'yo, lahat inintindi ko Bikoy dahil ako lang ang nakakaintindi sa kundisyon mo. Sinundan kita sa lahat at binantayan tapos sa isang operasyon mo lang tatalikuran mo lahat, lahat ng meron sa ating dalawa. Tatlong buwan kong tinitiis ang pagtrato mo sa akin. Pero ngayon hindi ko na kaya Bikoy. Hindi ko na kaya. "Ibang Bikoy na ang kaharap mo" Yun lang ang narinig kong sinabi niya, sa galit ko hinagis ko sa kanya ang singsing at sulat na hawak ko.Pinunit itinapon sa basurahan. Tinignan saka na ako tumakbo palayo sa kaniya. Sa kakatakbo ko hindi ko na rin naramdaman na nabangga pala ako. Ganito pala kapag nasaktan nakakamanhid. "Miko" sabay yakap ko sa kanya. "Ano bang gusto mong gawin ko para ibalik mo yung dati mong pagtingin sa akin Brent!" Sigaw ni Cassie sa akin. Shit! Sino bang nagpapasok sa kaniya dito. Lumuhod si Cassie sa akin at umiiyak ngunit bakit ganito ang ikinikilos niya para siyan naka HIGH, ibinuklat niya ang zipper ko at hinawaka ang alaga ko, hindi ako sanay kaya itinayo ko si Cassie ngunit pinaghahalikan niya ako, halik na mainit at nakakapang-init. Unti-unti na akong nadadala ng init kayat inihiga ko si Cassie, hinubad ko ang aking damit. Saka niya hinawakan ang malaking peklat ko sa aking katawan. "Alam ko saan galing ito" bulong ni Cassie habang hinahalik halikan niya ako. Maya pa ay naramdaman kong may papaakyat sa bintana ng kwarto at nagulat ako sa nakita ko. Natulala akong makita siya na ganon ang posisyon ko. Nang bumaba na siya ay siya ring pagtakbo ko para habulin siya. Bikay! At tinanggap ko ang masakit ng sampal niya, kapalupot sa kamay