Reply - Chapter 3
Dear Kuya. Unang una gusto ko lang sabihin... Good morning po! Pasensya na kung hindi ako nakapagreply ka-agad. Ngayon lang ako nagising at hindi ko rin aasahin na magtetext ka pa sa akin pagkatapos mong malaman na wrong number pala ^^. Sa tingin ko kailangan mo lang obserbahan yung girlfriend mo. Mainit pa ang dugo niya sa iyo at siguro ayaw ka niyang makita ngayon dahil sa madalas niyong pagaaway gaya ng sabi mo sa akin. Pabayaan mo siya; bigyan mo siya ng space para makapaghinga. Kunin mo rin tong oportunidad para obserbahan siya. Siguro nagawa mo na toh dahil sabi mo nga, marami ka ngang tanong pero sa pagtingin niya na pinabayaan mo na siya sa pangungulit mo, mas makikita mo kung ano talaga ang ginagawa niya. Sana makatulong yan. Tiyagaan mo pa siya ng konti. Mahal mo iyan eh. Hindi 'man kita kilala pero alam ko hindi mo susukan iyang girlfriend mo. Ganun naman talaga sa love. Nagpapatanga at gagawin mo lahat para lang maging sa iyo siya diba? Promise ko sa iyo, mapagkakatiwalaan mo ako. Diary mo na ako diba? Ingat po. God Bless!'
- Yumi.
Pinabasa ko kila Cham at Dre yung text bago ko sinend at pinatay ko din yung cellphone ko.
"Hay salamat! Natapos din ang pagdadrama ng unggoy na yun." sabi ni Dre at nagwalkout papuntang banyo.
Nanghinayan ako sa asal ni Dre pero binaliwala ko na lang at sinimulan ko ang paglilinis sa kuwarto ko.
"Huwag mo na pansinin si Dre. Alam mo naman ganyan lang yan dahil naistorbo yung tulog niya diba?" sabi sa akin ni Cham.
"Alam ko. Wala lang naman sa akin yun. Sanay na ako sa asal ni Dre pagnagigising siya." tawa ko.
"Mabuti naman. Akala ko na-aapektohan ka na sa mga sinasabi niya."
"Bakit naman ako maapektohan eh sanay na nga diba?"
"So ano yung feeling na may natulungan ka nanaman? Ngayon naman sa di mo pa kilala."
"As usual, maganda; nakatulong nanaman ako. Mas espesyal ngayon dahil hindi ko kilala yung tao so overwhelming."
"Nagcucurious lang ako kung sino tong si Mr. Wrong Number. Ikaw?"
"Medyo; pero hindi na importante sa akin kung sino siya kasi kagaya ng sabi Dre, madrama yung tao at ayoko madamay sa kung ano man hindi makakabuti sa akin. Lalo na pag love #life drama. Hay nako! Nakakasayang ng oras."
"Pero Mi, katutulong mo lang sa tao tapos sinasabi mo ngayon ayaw mong masangkot sa drama? Ano yun? Lokohan?"
"Hindi naman sa ganun. Pero--"
"Natulungan mo na yung tao; hindi mo na mababawi yun. At isa pa, umaasa sa iyo yung tao na tutulungan mo siya."
"Hay... Alam ko. Pero ang sa akin lang, gagawin ko lang hangga't anong makakaya ko. Hindi ako lalagpas ng pagpapakilala sa isa't isa. Kung anong meron ngayon, tama na yun."
"Bahala ka. Pero paano nga kung gwapo nga tong si Mr. Wrong Number?" tanong sa akin ni Cham at tumingimn ng diretso at ngumiti.
"Cham..."
"Oo na, oo na. No further introductions. Kuha ko na." tawa ni Cham at binitawan yung topic.
Lumabas si Dre ng bagong ligo galing sa banyo.
"Naligo ka na? May flight ka teh?" tawa ko sa kanya.
"Shunga! Nagugutom ako kaya naisip ko ng maligo para makalis na tayo." sagot ni Dre.
"Kung nakaligo ka na, eto, maglinis ka ng kuwarto para naman may silbi ka dito payatot!"
"Hilig niyong mangasar!"
"Kaya nga kaibigan mo kami diba?" banat ni Cham at iniwan ko na silang dalawa sa labas habang nauna na akong maligo.
***
Nagkuwentuhan kami habang naglakad kami nila Cham at Dre paputang park nang nagring yung cellphone. Nilabas ko siya sa bulsa ko at nakita ko may bagong text nanaman ako galing ka Mr. Wrong Number.
'Sabagay; yun lang naman magagawa ko. Benepisyo pa yun sa akin na nagmamanman ako ng tahimik at wala pa kaming away. Maraming salamat talaga diary. Akala ko hindi mo na ako rereplyan. Umasa talaga ako sa tulong mo at salamat din na nagreply ka. Sana nga makatulong yung advice mo sa akin. I owe you talaga kung epektib to. Ingat palagi '
- Unknown Number.
"Alam mo Mi, naisip ko lang, kahit na hindi ko masyadong favorite iyan si Mr. Wrong Number, nagtataka ako kung sino siya. Gwapo kaya toh?" tanong ni Dre at sabay ngumiti at nagimagine.
Agad ko siyang sinapak.
"Aray! Masakit yun Mi ah! Ba't mo ginawa iyon?"
"Iyon rin sinabi ni Cham sa bahay habang naliligo ka."
"Eh ano naman masama doon. Imagination lang naman. Arte mo!"
"Sabi ko sa iyo Yumi. Hindi naman masama magisip." sagot ni Cham.
"May girlfriend yung tao guys. Ba't pa ako magsasayang ng panahon sa taong taken na?"
"Sabi namin, gwapo ba si Mr. Wrong Number, hindi kung crush mo."
Napatahimik ako sa sinabi nila pero binaliwala ko na lang. Binuksan ko yung bagong text at nagreply ako.
'Huwag ka lang umasa sa mga advice ko. Alam kong kaya mo rin itawid ang relasyon niyo. Magtiwala ka lang sa sarili mo at promise ko sa iyo magiging normal at masaya ulit ang relasyon mo. Basta eto lang ang wag na wag mo lang kakalimutan...sa paghahabol mo sa girlfriend mo, wag mo kalimutan ang respeto mo para sa sarili mo okay? Ingat ka rin palagi kuya '
- Yumi.
"Di nga Yumi, paano kung gwapo si Mr. Wrong Number. Tanongin mo yung pangalan niya dali!" sinabi ni Dre ng masayahan at madalian.
"Ayoko nga! Mamaya maweirduhan pa siya sa akin eh."
"Pangalan lang naman ang itatanong mo. Hindi yung buong katauhan."
"Kahit na; ang weird pa rin kasi-- Eh basta!"
"Sa sitwasyon na to, agree ako kay Dre. Pangalan lang naman; wala masasaktan kung aalamin mo lang ang pangalan niya." sabi ni Cham.
"Pero paano kung isipin niya hinahabol ko siya eh di parang akong cheap na nakikipaglandian sa taken na."
"Pangalan nga lang ang itata--" sabat ni Dre pero bago niyang tapusin yun sinasabi niya, biglang nagring ulit ang cellphone ko.
'Promise ko iyan sa iyo Diary. Meron pa naman akong respeto para sa sarili ko at hinding-hindi mawala iyon. Maraming salamat talaga.'
- Unknown Number.
Bago ko man isarado yung cellphone, may bagong text nanaman ang pumasok.
'Diary, hindi ito related sa mga tinatong o sinasabi ko sa iyo palagi pero may kailangan lang akong sabihin.'
- Unknown Number.
'Ano naman yun?'
- Yumi.
'Nangaasar kasi yung mga kaibigan. Kalalabas ko lang sa trabaho ko at nasabillyaran kami ngayon. Nahuli nila ako ka-text kita kaya ayan, binasa nila mga text ko sa iyo at ngayon gusto nila na makuha ko pangalan mo.'
- Unknown Number.
Talk about coincidence nga naman.
'Talaga? Iyon din ang ginagawa ng mga kaibigan ko eh. Nagtataka sila kung gwapo ka ba o ano at gusto rin nila makuha pangalan mo.'
- Yumi.
'Ha-ha! Gwapo, agree ako sa kanila diyan. Siyempre gwapo ako. Sa pangalan. Ewan ko. Hindi ka ba naweweirduhan? I mean, isang araw lang naman tayo naguusap, hindi pa natin kilala ang isa't isa at dahil sa katangahan ko ng wrong send pa tayo nagkakilala.'
- Unknown Number.
'Ha! Kapal ng mukha mo din nuh? Agree ako sa pangalan. Pero sa kagwapuhan? Hindi kita paniniwalaan hangga't wala akong nakikita nuh.'
- Yumi.
'I don't blame you rin naman. Cute mo. Feel ko lang. Pasensya na sa abala ah? Feel ko kinailangan ko lang sabihin sa iyo 'yon.'
- Unknown Number.
'Okay lang iyon. Mas maiging honest sa isa't isa kung sasabihin mo ang lahat sa akin. '
-Yumi.
'Mhm. Hindi 'man kita kilala pero ang gaan ng loob kong makausap ka. Hangang sa mauulit. Bye Diary. '
- Unknown Number.
'Kaya nga ako nandito diba? Kung kailangan mo ng kausap, I'm just a text away. Bye Mr. Wrong Number '
- Yumi.
"Eh gaga ka pala! Andoon na; pati rin pala yung mga kaibigan niya gusto ka nang makilala." sinabi ni Dre at sabay binatukan ako.
"Aray ah! Dre, nakakailan ka na. Eh ayaw ko nga. Wag muna ngayon. Darating din ang araw na magkakakilala kami. Hindi lang ngayon..."
Unknown P.O.V
Sino kaya tong si Diary? Kung iisipin mo, hindi lang rin ang kaibigan ko ang nagtataka kung sino siya. Sa totoo lang, ako rin naman...