Opusia Logo
  • الصفحة الرئيسية
    • بحث المؤلفين فقط
  • زائر
    • تسجيل الدخول
    • التسجيل
    • وضع اليوم
VQ Works Cover Image
User Image
اسحب لتعديل الصورة
VQ Works Profile Picture
VQ Works

Tagalog and English Stories • Poems • Quotes • Sayings •

  • المعلومات العامة
  • 5 المشاركات
  • أنثى
  • 01-01-70
  • يسكن في المملكة المتحدة

الصور

لا يوجد منشورات
  • الجدول الزمني
  • الصور
  • الفيديو
    • متابَعون
    • متابِعون
VQ Works profile picture
VQ Works
ترجم   منذ 13 سنوات

Caught Up - Chapter 4 Palalim na yung gabi habang naglalakad ako pauwi galing kina Cham. Pagkatapos namin mag almusal sa umaga, dumeretso kami kila Cham para tumambay. Naisip ko na kumopya ng mga lessons kay Cham kaya nanatili ako sa bahay niya habang si Dre ay umuwi na ng maaga. Nang papalit na

إعجاب
  • إعجاب
  • حب
  • هههه
  • رائع
  • حزين
  • غاضب
علق
شارك
  • 00:00
     
    VQ Works profile picture
    VQ Works
    ترجم   منذ 13 سنوات

    Reply - Chapter 3 Dear Kuya. Unang una gusto ko lang sabihin... Good morning po! Pasensya na kung hindi ako nakapagreply ka-agad. Ngayon lang ako nagising at hindi ko rin aasahin na magtetext ka pa sa akin pagkatapos mong malaman na wrong number pala ^^. Sa tingin ko kailangan mo lang obserbahan yung girlfriend mo. Mainit pa ang dugo niya sa iyo at siguro ayaw ka niyang makita ngayon dahil sa madalas niyong pagaaway gaya ng sabi mo sa akin. Pabayaan mo siya; bigyan mo siya ng space para makapaghinga. Kunin mo rin tong oportunidad para obserbahan siya. Siguro nagawa mo na toh dahil sabi mo nga, marami ka ngang tanong pero sa pagtingin niya na pinabayaan mo na siya sa pangungulit mo, mas makikita mo kung ano talaga ang ginagawa niya. Sana makatulong yan. Tiyagaan mo pa siya ng konti. Mahal mo iyan eh. Hindi 'man kita kilala pero alam ko hindi mo susukan iyang girlfriend mo. Ganun naman talaga sa love. Nagpapatanga at gagawin mo lahat para lang maging sa iyo siya diba? Promise ko sa iyo, mapagkakatiwalaan mo ako. Diary mo na ako diba? Ingat po. God Bless!' - Yumi. Pinabasa ko kila Cham at Dre yung text bago ko sinend at pinatay ko din yung cellphone ko. "Hay salamat! Natapos din ang pagdadrama ng unggoy na yun." sabi ni Dre at nagwalkout papuntang banyo. Nanghinayan ako sa asal ni Dre pero binaliwala ko na lang at sinimulan ko ang paglilinis sa kuwarto ko. "Huwag mo na pansinin si Dre. Alam mo naman ganyan lang yan dahil naistorbo yung tulog niya diba?" sabi sa akin ni Cham. "Alam ko. Wala lang naman sa akin yun. Sanay na ako sa asal ni Dre pagnagigising siya." tawa ko. "Mabuti naman. Akala ko na-aapektohan ka na sa mga sinasabi niya." "Bakit naman ako maapektohan eh sanay na nga diba?" "So ano yung feeling na may natulungan ka nanaman? Ngayon naman sa di mo pa kilala." "As usual, maganda; nakatulong nanaman ako. Mas espesyal ngayon dahil hindi ko kilala yung tao so overwhelming." "Nagcucurious lang ako kung sino tong si Mr. Wrong Number. Ikaw?" "Medyo; pero hindi na importante sa akin kung sino siya kasi kagaya ng sabi Dre, madrama yung tao at ayoko madamay sa kung ano man hindi makakabuti sa akin. Lalo na pag love #life drama. Hay nako! Nakakasayang ng oras." "Pero Mi, katutulong mo lang sa tao tapos sinasabi mo ngayon ayaw mong masangkot sa drama? Ano yun? Lokohan?" "Hindi naman sa ganun. Pero--" "Natulungan mo na yung tao; hindi mo na mababawi yun. At isa pa, umaasa sa iyo yung tao na tutulungan mo siya." "Hay... Alam ko. Pero ang sa akin lang, gagawin ko lang hangga't anong makakaya ko. Hindi ako lalagpas ng pagpapakilala sa isa't isa. Kung anong meron ngayon, tama na yun." "Bahala ka. Pero paano nga kung gwapo nga tong si Mr. Wrong Number?" tanong sa akin ni Cham at tumingimn ng diretso at ngumiti. "Cham..." "Oo na, oo na. No further introductions. Kuha ko na." tawa ni Cham at binitawan yung topic. Lumabas si Dre ng bagong ligo galing sa banyo. "Naligo ka na? May flight ka teh?" tawa ko sa kanya. "Shunga! Nagugutom ako kaya naisip ko ng maligo para makalis na tayo." sagot ni Dre. "Kung nakaligo ka na, eto, maglinis ka ng kuwarto para naman may silbi ka dito payatot!" "Hilig niyong mangasar!" "Kaya nga kaibigan mo kami diba?" banat ni Cham at iniwan ko na silang dalawa sa labas habang nauna na akong maligo. *** Nagkuwentuhan kami habang naglakad kami nila Cham at Dre paputang park nang nagring yung cellphone. Nilabas ko siya sa bulsa ko at nakita ko may bagong text nanaman ako galing ka Mr. Wrong Number. 'Sabagay; yun lang naman magagawa ko. Benepisyo pa yun sa akin na nagmamanman ako ng tahimik at wala pa kaming away. Maraming salamat talaga diary. Akala ko hindi mo na ako rereplyan. Umasa talaga ako sa tulong mo at salamat din na nagreply ka. Sana nga makatulong yung advice mo sa akin. I owe you talaga kung epektib to. Ingat palagi ' - Unknown Number. "Alam mo Mi, naisip ko lang, kahit na hindi ko masyadong favorite iyan si Mr. Wrong Number, nagtataka ako kung sino siya. Gwapo kaya toh?" tanong ni Dre at sabay ngumiti at nagimagine. Agad ko siyang sinapak. "Aray! Masakit yun Mi ah! Ba't mo ginawa iyon?" "Iyon rin sinabi ni Cham sa bahay habang naliligo ka." "Eh ano naman masama doon. Imagination lang naman. Arte mo!" "Sabi ko sa iyo Yumi. Hindi naman masama magisip." sagot ni Cham. "May girlfriend yung tao guys. Ba't pa ako magsasayang ng panahon sa taong taken na?" "Sabi namin, gwapo ba si Mr. Wrong Number, hindi kung crush mo." Napatahimik ako sa sinabi nila pero binaliwala ko na lang. Binuksan ko yung bagong text at nagreply ako. 'Huwag ka lang umasa sa mga advice ko. Alam kong kaya mo rin itawid ang relasyon niyo. Magtiwala ka lang sa sarili mo at promise ko sa iyo magiging normal at masaya ulit ang relasyon mo. Basta eto lang ang wag na wag mo lang kakalimutan...sa paghahabol mo sa girlfriend mo, wag mo kalimutan ang respeto mo para sa sarili mo okay? Ingat ka rin palagi kuya ' - Yumi. "Di nga Yumi, paano kung gwapo si Mr. Wrong Number. Tanongin mo yung pangalan niya dali!" sinabi ni Dre ng masayahan at madalian. "Ayoko nga! Mamaya maweirduhan pa siya sa akin eh." "Pangalan lang naman ang itatanong mo. Hindi yung buong katauhan." "Kahit na; ang weird pa rin kasi-- Eh basta!" "Sa sitwasyon na to, agree ako kay Dre. Pangalan lang naman; wala masasaktan kung aalamin mo lang ang pangalan niya." sabi ni Cham. "Pero paano kung isipin niya hinahabol ko siya eh di parang akong cheap na nakikipaglandian sa taken na." "Pangalan nga lang ang itata--" sabat ni Dre pero bago niyang tapusin yun sinasabi niya, biglang nagring ulit ang cellphone ko. 'Promise ko iyan sa iyo Diary. Meron pa naman akong respeto para sa sarili ko at hinding-hindi mawala iyon. Maraming salamat talaga.' - Unknown Number. Bago ko man isarado yung cellphone, may bagong text nanaman ang pumasok. 'Diary, hindi ito related sa mga tinatong o sinasabi ko sa iyo palagi pero may kailangan lang akong sabihin.' - Unknown Number. 'Ano naman yun?' - Yumi. 'Nangaasar kasi yung mga kaibigan. Kalalabas ko lang sa trabaho ko at nasabillyaran kami ngayon. Nahuli nila ako ka-text kita kaya ayan, binasa nila mga text ko sa iyo at ngayon gusto nila na makuha ko pangalan mo.' - Unknown Number. Talk about coincidence nga naman. 'Talaga? Iyon din ang ginagawa ng mga kaibigan ko eh. Nagtataka sila kung gwapo ka ba o ano at gusto rin nila makuha pangalan mo.' - Yumi. 'Ha-ha! Gwapo, agree ako sa kanila diyan. Siyempre gwapo ako. Sa pangalan. Ewan ko. Hindi ka ba naweweirduhan? I mean, isang araw lang naman tayo naguusap, hindi pa natin kilala ang isa't isa at dahil sa katangahan ko ng wrong send pa tayo nagkakilala.' - Unknown Number. 'Ha! Kapal ng mukha mo din nuh? Agree ako sa pangalan. Pero sa kagwapuhan? Hindi kita paniniwalaan hangga't wala akong nakikita nuh.' - Yumi. 'I don't blame you rin naman. Cute mo. Feel ko lang. Pasensya na sa abala ah? Feel ko kinailangan ko lang sabihin sa iyo 'yon.' - Unknown Number. 'Okay lang iyon. Mas maiging honest sa isa't isa kung sasabihin mo ang lahat sa akin. ' -Yumi. 'Mhm. Hindi 'man kita kilala pero ang gaan ng loob kong makausap ka. Hangang sa mauulit. Bye Diary. ' - Unknown Number. 'Kaya nga ako nandito diba? Kung kailangan mo ng kausap, I'm just a text away. Bye Mr. Wrong Number ' - Yumi. "Eh gaga ka pala! Andoon na; pati rin pala yung mga kaibigan niya gusto ka nang makilala." sinabi ni Dre at sabay binatukan ako. "Aray ah! Dre, nakakailan ka na. Eh ayaw ko nga. Wag muna ngayon. Darating din ang araw na magkakakilala kami. Hindi lang ngayon..." Unknown P.O.V Sino kaya tong si Diary? Kung iisipin mo, hindi lang rin ang kaibigan ko ang nagtataka kung sino siya. Sa totoo lang, ako rin naman...

    إعجاب
    • إعجاب
    • حب
    • هههه
    • رائع
    • حزين
    • غاضب
    علق
    شارك
    • 00:00
       
      VQ Works profile picture
      VQ Works
      ترجم   منذ 13 سنوات

      Incoming Messages - Chapter 2 "Gisingin mo nga yang bruhang yan." narinig ko yung boses ni Cham na nagpagising sa akin. "Sinubukan ko kaya. Ikaw kaya gumising diyan at sabihin mo nakakairita yung walang tigil niyang tumutunog na cellphone." sabi ni Dre. Hindi ko sila pinansin at bumalik ako sa pagtutulog ko hanggang. "Yumi!!! Gumising ka nga!" sumigaw ang dalawa kong kaibigan at bigla na lang ako nahulog sa sahig. "Makasigaw naman kayong dalawa, wagas! Walang bukas teh?" "Hoy babae! Wala rin bukas ang kariring ng cellphone mo. Kung may katext mate ka, pagsabihan mo nga. Ang aga-aga, text ng text." sabi sa akin ni Cham na pagalit. Tumayo ako sa sahig at umupo sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko at nakita ko ang patuloy na pagpasok ng mga text. Napakarami nila na hindi ko alam kung makakarating ako sa pinakaumpisa hangang narating ko din at binuksan ko yung text. 'Ay sorry po. Pasensya na nagkamaling send pala ako. Sa gitna pa ng gabi pa ako nanggising ng tao. Pasensya na po. Hindi na po mauulit. Goodnight po. Sweet dreams.' - Unknown Number. Napansin ko eto rin yung tao na nagtext sa akin kagabi. "O, sino yan. Hindi ko alam may katext ka pala. Hindi naman kita nakita nakikipagtext sa iba kagabi." sabi ni Cham. "Oo nga. Sabay-sabay din naman tayo natulog kagabi." sunod ni Dre. "Nagising ako ng hating gabi at may nagtext na lang sa akin bigla. May pinadala siyang text na nagsosorry sa girlfriend niya yata o ewan. Parang nag away yata sila. Nag kamaling send yung tao at kala niya na sinend niya sa girlfriend niya pero sa number ko pala niya sinend." "May mga iba pa yatang sinend si 'Wrong Number'. Kanina pa yan eh." Tinignan ko yung mga text na sumunod sa binasa ko. 'Siguro tulog ka na ngayon. Ha-ha, nagbibiro ba ako? Malamang tulog ka. Sino ba ang gising sa kalagitnaan ng gabi? Pasensya na kung nangungulit pa rin ako. Nahihiya lang talaga ako sa sarili ko na maling tao pala ang sinend ko na message. Tulog ka na po ulit. Pasensya na! Goodnight.' - Unknown Number. 'Hi po. Sorry kung pangilan message ko na toh pero kailan ko talaga na may makakausap eh. Nagkakaproblema kasi kami ng girlfriend ko. Recently, madalas kami nagaaway at malamang, hiwalayan na ang paghahatungan nito. Madalang na kami naguusap at hindi ko mapigilan na mapisip na may tinatago siya sa akin. Kaya nagtanong na ako sa kanya pero nagagalit siya pag ginagawa ko yun. Masama ba mag tanong? Tanong lang naman eh diba? Hay nako! Hindi ko alam ang gagawain ko. Marami akong tanong na gusto ko lang naman malaman ang sagot pero hindi ko kayang mawala siya sa akin. Matagal na kami nagsasama at hindi ko alam anong kaya kong gawin pag nawala siya.' - Unknown Number. 'Ano ba yan! Nagdadrama ako sa hindi ko kilala. Sorry po. At least alam ko na hindi mo toh ipagkakalat. Hindi naman kita kilala at hindi mo rin ako kilala kaya anong paki mo sa buhay ko diba? Salamat lang na may pagsasabihan lang ako. Tulog ka na po. Pasensya na isturbo. Goodnight diary. Weh! Diary na ka-agad. Ha-ha!' - Unknown Number. 'Good morning po Diary. Musta na po. Bagong umaga, bagong kuwento at bago nanamang drama. Gusto makipagkita ng girlfriend ko; kailangan daw namin magusap. Masama ang kutob ko dito. Sana nandito ka para tulungan ako. Hay! Ghe, kailangan ko na maghanda. Makikipagkita na ako sa kanya maya-maya lang. Tulog ka pa ata eh. O hindi mo lang talaga ako nirereplyan. Ha-ha! Okay lang yun! Parang nga stalker na ako na nakikipagusap sa hindi ko kilala. Good luck na lang sa akin. Bye Diary!' - Unknown Number. 'Hi Diary Kauuwi ko lang. Hindi ako sinipot ng girlfriend ko. Nagintay ako ng dalawang oras para lang malaman ko na 'nakalimutan' niya. Bullshit naman yun! Ang aga ko nagising para lang sa kanya, wala rin naman pala akong madadatnan. Nagpapatanga na talaga ako. Ano na dapat gawin ko Diary? Tulungan mo naman ako oh. Kahit maikling reply okay na yun. Sigh...' - Unknown Number. 'Dear Diary, I guess hindi mo na ako rereplyan. Okay lang yun. I don't expect you to. Kagabi pa ako nangungulit sa iyo. Sigurado nainis ka na sa akin. Papasok na ako sa trabaho ko. May konting pag asa pa rin ako na matutulungan at rereplyan mo ako. Enjoy your day po. Ingat.' - Unknown Number. "May issues iyan Mi. Wag mo na lang pansinin. Naiinis ako diyan; inistorbo niya tulog ko." hagpis ni Dre. "Kawawa naman yung tao Dre. Nagkakandarapa sa hirap dahil sa girlfriend niya. Replyan mo na. Wala naman masasaktan kung sasagutin mo yung tao eh. Makakatulong ka pa." sagot ni Cham. "Paano kung isa pala yang matandang gago na puro dalaga ang habol. Yuck! Sa tinggin ko, bayaan mo na lang siya Yumi. Para sa kabubuti mo." sabat ni Dre. "Pero umaasa pa siya na magreply ako. Ayoko naman siyang pagmukhang tanga higit pa sa nararamdaman niya." sagot ko. "Tama si Yumi, Dre. Pagbigyan mo na. Makakatulong pa siya. Si Yumi pa man din magaling sa mga advice-advices na yan." sabi ni Cham. "Sige na nga, sige na nga! Pero wag mo sabihin hindi kita pinagsabihan." sabi ni Dre. Binuksan ko yung pinakabagong text at sinimulan ko ang pagrereply. 'Dear Kuya...

      إعجاب
      • إعجاب
      • حب
      • هههه
      • رائع
      • حزين
      • غاضب
      علق
      شارك
      • 00:00
         
        VQ Works profile picture
        VQ Works
        ترجم   منذ 13 سنوات

        Unknown Number - Chapter 1 Narinig ko may nagdoorbell sa pintuan namin at nalaman ko na nadito na yung mga kaibigan ko para sa sleepover party namin. Tumakbo akong pababa at nakita ko yung mga kaibigan ko na nagsipasukan na sa bahay. "Uy Yumi. Hindi ka namin nakita sa school today. Saan ka nagpunta?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Cham. "Tinamad ako pumasok plus di ba may exam tayo kanina? Isa na rin yun bakit hindi ako pumasok." sumagot ako at tumawa. "Same old Yumi. Di ka talaga nagbabago." "Malamang! Ako to eh! Oh ano, magdadaldalan na lang ba tayo o aakyat na tayo at sisimulan na natin to?" "Akyatan na. Mamaya makatulog pa ako sa pagdadaldalan natin eh." sabi ng isa ko pang kaibigan na si Dre. "Eps! Walang tulugan. Kaya nga sleepover diba." tawa ni Cham at lahat kami at pumanik papunta sa kwarto ko. Nagsalang si Dre ng mapapanood at nilabas ni Cham lahat ng pagkain na kakainin namin. Naglatag sila ng mga higaan nila at pumuwesto ako sa kama ko. Humiga ako sa ilalim ng kumot ko at nagsimula na ang pinikula at tahimik kami nanood. *** Nagising na lang ako at nakita ko na nakatulog na sila Dre at Cham. "Wala daw tulugan. Asus!" tumawa ako ng patahimik at bumangon sa kama ko. Naiwan nakabukas ang TV kaya pinatay ko bago ko kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng kuwarto. Nakita ko yung nanay ko na nagkakape sa kusina habang nagbabasa ng libro kaya't tinabihian ko at kinausap ko siya. "Ba't gising pa po kayo?" tanong ko sa kanya. "Nagising kapatid mo kaya kinailangan ko pa siyang patulugin ulit; hindi na ako nakatulog pagkatapos. Ikaw anak? Bakit gising ka pa? Tulog na mga kaibigan mo ah." "Nagising lang po ako at nakita ko natulugan pala namin yung pinapanood namin." "Puwes matutulog na ako. Matulog ka na rin. Porket wala kang pasok bukas hindi ibig sabihin papabayaan na kitang mag puyat ngayon. Tulog na Yumi; umaga na." sabi ni Nanay. "Opo Nay. Goodnight." sabi ko at umakyat na si Nanay habang natira akong magisa sa kusina. Ininom ko yung natirang kape ni inay at binasa ko yung librong iniwan niya. Hanggang biglang tumunog ang cellphone ko. Bagong text ang nagpakita sa screen pero hindi ko nakilala yung number. 'Patawarin mo na ako. Alam kong nagsasawa ka na sa paulit-ulit natin pagbabangyan pero hindi ko talagang mapigilan ang sarili ko na magtanong. I'm sorry baby. Patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.' - Unknown Number. Ha? Ano to? Gaguhan? Sino naman magtetext sa akin ng ganito sa ganito pang oras. 'Uhm, sorry po. Nagkamaling number po yata kayong sinend. Pasensya na po ulit. Sana magka-ayos kayo ng mahal niyo. Goodnight po.' Ni replyan ko yung number at pumanik na ako sa kuwarto ko. Pinatay ko yung ilaw bago umakyat ako sa kama ko at bumalik sa pagtutulog.

        إعجاب
        • إعجاب
        • حب
        • هههه
        • رائع
        • حزين
        • غاضب
        علق
        شارك
        • 00:00
           
          VQ Works profile picture
          VQ Works
          ترجم   منذ 13 سنوات

          Text Ang love, darating na lan yan ng kusa. Minsan, nagiging impatient tayo na hindi tayo makaintay pero love moves in mysterious. Minsan, the most funniest and weirdest ways pa. Paano kung ang pinakaunexpected na love ay galing sa TEXT. Anong gagawin mo? Tatakbuhan mo na lang ba o aankinin mo at hahanapin mo kung sino yung taong nagpapatiyaga sa iyo para lang makusap ka. Paano kung nasa harapan mo na, nadadaanan mo pa pero hindi mo parin na mamalayan. Some would think it's ridiculous and crazy to have found love like this. Pero yan ang love - ang pinaka makapangyarihan sa mundo. Ang sabi nga naman... Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

          إعجاب
          • إعجاب
          • حب
          • هههه
          • رائع
          • حزين
          • غاضب
          علق
          شارك
          • 00:00
             
            تحميل المزيد من المنشورات
            • المزيد
            • المزيد
            • المزيد
            • متابَعون 8

            • Sam
              undefined
              Lauren
              J. Chris
              Nat
              Araya
              Steve
              Tobias
            • المزيد
            • متابِعون 2

            • Sam
              undefined
            اللغة
            • English
            • Arabic
            • Dutch
            • French
            • German
            • Italian
            • Portuguese
            • Russian
            • Spanish
            • Turkish

            © 2025 Opusia

            • حول
            • إتصل بنا
            • أكثر
              • سياسة الخصوصية
              • شروط الاستخدام

            الغاء الصداقه

            هل أنت متأكد أنك تريد غير صديق؟

            الإبلاغ عن هذا المستخدم

            مهم!

            هل تريد بالتأكيد إزالة هذا العضو من عائلتك؟

            لقد نقزت VQMaricris

            تمت إضافة عضو جديد بنجاح إلى قائمة عائلتك!

            اقتصاص الصورة الرمزية الخاصة بك

            avatar

            © 2025 Opusia

            اللغة
            • English
            • Arabic
            • Dutch
            • French
            • German
            • Italian
            • Portuguese
            • Russian
            • Spanish
            • Turkish
            • الصفحة الرئيسية
            • حول
            • إتصل بنا
            • سياسة الخصوصية
            • شروط الاستخدام

            تم الإبلاغ عن التعليق بنجاح.

            تمت إضافة المشاركة بنجاح إلى المخطط الزمني!

            لقد بلغت الحد المسموح به لعدد من الأصدقاء!

            خطأ في حجم الملف: يتجاوز الملف الحد المسموح به (6 MB) ولا يمكن تحميله.

            تعذر تحميل ملف: نوع الملف هذا غير متوافق.

            لقد اكتشفنا بعض محتوى البالغين على الصورة التي قمت بتحميلها ، وبالتالي فقد رفضنا عملية التحميل.

            تم إرسال المنشور الخاص بك ، سنراجع المحتوى الخاص بك قريبًا.

            لتحميل الصور ومقاطع الفيديو والملفات الصوتية ، يجب الترقية إلى عضو محترف. لترقية الى مزايا أكثر

            تعديل العرض

            0%