Incoming Messages - Chapter 2 "Gisingin mo nga yang bruhang yan." narinig ko yung boses ni Cham na nagpagising sa akin. "Sinubukan ko kaya. Ikaw kaya gumising diyan at sabihin mo nakakairita yung walang tigil niyang tumutunog na cellphone." sabi ni Dre. Hindi ko sila pinansin at bumalik ako sa pagtutulog ko hanggang. "Yumi!!! Gumising ka nga!" sumigaw ang dalawa kong kaibigan at bigla na lang ako nahulog sa sahig. "Makasigaw naman kayong dalawa, wagas! Walang bukas teh?" "Hoy babae! Wala rin bukas ang kariring ng cellphone mo. Kung may katext mate ka, pagsabihan mo nga. Ang aga-aga, text ng text." sabi sa akin ni Cham na pagalit. Tumayo ako sa sahig at umupo sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko at nakita ko ang patuloy na pagpasok ng mga text. Napakarami nila na hindi ko alam kung makakarating ako sa pinakaumpisa hangang narating ko din at binuksan ko yung text. 'Ay sorry po. Pasensya na nagkamaling send pala ako. Sa gitna pa ng gabi pa ako nanggising ng tao. Pasensya na po. Hindi na po mauulit. Goodnight po. Sweet dreams.' - Unknown Number. Napansin ko eto rin yung tao na nagtext sa akin kagabi. "O, sino yan. Hindi ko alam may katext ka pala. Hindi naman kita nakita nakikipagtext sa iba kagabi." sabi ni Cham. "Oo nga. Sabay-sabay din naman tayo natulog kagabi." sunod ni Dre. "Nagising ako ng hating gabi at may nagtext na lang sa akin bigla. May pinadala siyang text na nagsosorry sa girlfriend niya yata o ewan. Parang nag away yata sila. Nag kamaling send yung tao at kala niya na sinend niya sa girlfriend niya pero sa number ko pala niya sinend." "May mga iba pa yatang sinend si 'Wrong Number'. Kanina pa yan eh." Tinignan ko yung mga text na sumunod sa binasa ko. 'Siguro tulog ka na ngayon. Ha-ha, nagbibiro ba ako? Malamang tulog ka. Sino ba ang gising sa kalagitnaan ng gabi? Pasensya na kung nangungulit pa rin ako. Nahihiya lang talaga ako sa sarili ko na maling tao pala ang sinend ko na message. Tulog ka na po ulit. Pasensya na! Goodnight.' - Unknown Number. 'Hi po. Sorry kung pangilan message ko na toh pero kailan ko talaga na may makakausap eh. Nagkakaproblema kasi kami ng girlfriend ko. Recently, madalas kami nagaaway at malamang, hiwalayan na ang paghahatungan nito. Madalang na kami naguusap at hindi ko mapigilan na mapisip na may tinatago siya sa akin. Kaya nagtanong na ako sa kanya pero nagagalit siya pag ginagawa ko yun. Masama ba mag tanong? Tanong lang naman eh diba? Hay nako! Hindi ko alam ang gagawain ko. Marami akong tanong na gusto ko lang naman malaman ang sagot pero hindi ko kayang mawala siya sa akin. Matagal na kami nagsasama at hindi ko alam anong kaya kong gawin pag nawala siya.' - Unknown Number. 'Ano ba yan! Nagdadrama ako sa hindi ko kilala. Sorry po. At least alam ko na hindi mo toh ipagkakalat. Hindi naman kita kilala at hindi mo rin ako kilala kaya anong paki mo sa buhay ko diba? Salamat lang na may pagsasabihan lang ako. Tulog ka na po. Pasensya na isturbo. Goodnight diary. Weh! Diary na ka-agad. Ha-ha!' - Unknown Number. 'Good morning po Diary. Musta na po. Bagong umaga, bagong kuwento at bago nanamang drama. Gusto makipagkita ng girlfriend ko; kailangan daw namin magusap. Masama ang kutob ko dito. Sana nandito ka para tulungan ako. Hay! Ghe, kailangan ko na maghanda. Makikipagkita na ako sa kanya maya-maya lang. Tulog ka pa ata eh. O hindi mo lang talaga ako nirereplyan. Ha-ha! Okay lang yun! Parang nga stalker na ako na nakikipagusap sa hindi ko kilala. Good luck na lang sa akin. Bye Diary!' - Unknown Number. 'Hi Diary Kauuwi ko lang. Hindi ako sinipot ng girlfriend ko. Nagintay ako ng dalawang oras para lang malaman ko na 'nakalimutan' niya. Bullshit naman yun! Ang aga ko nagising para lang sa kanya, wala rin naman pala akong madadatnan. Nagpapatanga na talaga ako. Ano na dapat gawin ko Diary? Tulungan mo naman ako oh. Kahit maikling reply okay na yun. Sigh...' - Unknown Number. 'Dear Diary, I guess hindi mo na ako rereplyan. Okay lang yun. I don't expect you to. Kagabi pa ako nangungulit sa iyo. Sigurado nainis ka na sa akin. Papasok na ako sa trabaho ko. May konting pag asa pa rin ako na matutulungan at rereplyan mo ako. Enjoy your day po. Ingat.' - Unknown Number. "May issues iyan Mi. Wag mo na lang pansinin. Naiinis ako diyan; inistorbo niya tulog ko." hagpis ni Dre. "Kawawa naman yung tao Dre. Nagkakandarapa sa hirap dahil sa girlfriend niya. Replyan mo na. Wala naman masasaktan kung sasagutin mo yung tao eh. Makakatulong ka pa." sagot ni Cham. "Paano kung isa pala yang matandang gago na puro dalaga ang habol. Yuck! Sa tinggin ko, bayaan mo na lang siya Yumi. Para sa kabubuti mo." sabat ni Dre. "Pero umaasa pa siya na magreply ako. Ayoko naman siyang pagmukhang tanga higit pa sa nararamdaman niya." sagot ko. "Tama si Yumi, Dre. Pagbigyan mo na. Makakatulong pa siya. Si Yumi pa man din magaling sa mga advice-advices na yan." sabi ni Cham. "Sige na nga, sige na nga! Pero wag mo sabihin hindi kita pinagsabihan." sabi ni Dre. Binuksan ko yung pinakabagong text at sinimulan ko ang pagrereply. 'Dear Kuya...