Bestfriend "Bestfriend" Ako si Vince. 3rd year highschool. May bestfriend ako, at siya si Julie. bestfriend ko yan simula bata pa kami at lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng problema. Problema ng isa. Problema naming dalawa Ako si Julie. 3rd year High school. At si Vince ang Bestfriend ko. Matagal ko ng naccrushan si Vince. Pero On-Off lang naman. Crush lang kasi. Yun nga lang, may mahal siya e. Well, ayaw niyang sabihin kung sino -.- Vince: mahal ko si Julie, pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa knya. Alam ko naman kasing bestfriend lang ang turing niya sakin. ... "bes, sabay tayo paguwi ha? May sasabihin lang ako." "sige, may sasabihin rin ako sayo." Vince: sasabihin ko na sa knya. Pinaghandaan ko to. Bumili talaga ako ng favorite flowers at chocolates niya. KAYA KO TO! *DISMISSAL* Hinintay ko siya sa labas ng school. Julie: "bes! May.. Sasabihin sana ako sayo." teka "ano yan? Para kanino yang chocolates? Kala ko ba bes kita? Dapat alam ko yan!!" Vince: "para kasii.." Julie: "ano?! Ano pang silbi ng bestfriend kung ganyan din naman?!" Vince: "Julie?! Para sayo to!! Mahal kita!! Yun un gusto ko sabihin sayo!" Julie: natulala ako sa sinabi niya. Parang nanaginip ako at ayoko ng magising. Naramdaman ko nalang na pinunasan niya ng panyo ung luha ko. Vince: "Julie, sorry. Hindi ko sinasadyang mahalin ka. Hindi ko naman inaasam na mahalin mo rin ako, eh. Ang sakin lang, masabi ko sayo na mahal kita." Julie: umiiyak si bes. Ung taong mahal ko. Hindi ko inaakala na magkakaganito. Kasi ang alam ko hindi ako ang mahal niya.. Pero.. Vince: "Julie! Ano na? Galit ka? Sorry. Ayos lang naman sakin eh. Tara na. Uwi na tayo bes. Hatid na kita. Flowers, chocolates para sayo.." Julie: "thankyou bhes.. Mahal din po kita.." napangiti siya sa sinabi ko. Vince: Sige BHE. Tara na. Julie: At nagtawanan lang kami. Pagkatapos nun, nanligaw siya sakin. At sinagot ko rin naman sya. Dahil sa kanya, naramdaman kong mahalaga ako. Vince: fourth year na kami. Mag-o'one year na kmi ni Bhe. Ni Julie ko. Julie: "ang bilis ng oras noh? Graduate na kami. Pero, masaya at kontento parin kami sa isa't isa. Iisa kami ng pinasukan na school sa college. Parehas din na course.. Vince: after 5years na pagsasama, 5years na pagmamahalan, at siguro kung hindi lang ako natorpe, mas matagal na siguro kami ngayon. Eto ako ngayon, minamasdan siya g lumakad suot ang isang puting damit, ang mommy't daddy niya sa tabi niya, at may hawak na bulaklak. At handa na kong pakasalan siya. Lesson? Wag mong itago sa sarili yung nararamdaman mo, malay mo ganun rin ang nararamdaman niya sayo...